^

PSN Showbiz

Pakikipagrelasyon kay Rocco inilalantad ni Lovi

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Wala mang pag-amin na nagmumula kina Lovi Poe at Rocco Nacino, very obvious na sila na nga at patunay dito ang kanilang European trip.

Hanggang sa kanilang paghihiwalay ay never na umamin si Lovi tungkol sa naging relasyon nila ni Jake Cuenca, ganundin naman nung sila pa ng nobyo ngayon ni Jodi Santamaria na si Cavite Vice-Gov. Jojo Revilla.  Kahit nung sila pa ng dating kongresista na si Ronald Singson ay naging tikom din ang bibig ng singer-actress.

 â€œWhat you see is what you get” ang drama parati ni Lovi pagdating sa kanyang love life.

Ngayon ay hindi siya naglilihim sa relasyon ng kapwa Kapuso actor.

 

Manilyn kinaiinggitan ng mga dating kasamahan

Kasamahan ng dating child star na si Manilyn Reynes sa That’s Entertainment ng Master Showman na si German `Kuya Germs’ Moreno ang kanyang napangasawa, si Aljon Jimenez at meron na silang tatlong supling na pawang lalaki.

Magmula nang lumagay sa tahimik ang dalawa, never na muling nagpatuloy sa kanyang showbiz career ang mister ni Manilyn at hinayaan na lamang ang kanyang misis. Mas gusto ni Aljon ang kanyang pribadong buhay ngayon kahit sa showbiz sila pinagtagpo ng kanyang misis.

Seventeen years na ang pagsasama bilang mag-asawa nina Manilyn at Aljon na kinainggitan ng kanilang mga kaibigan at kakontemporaryo   na pawang hiwalay na sa kanilang respective partners.

Naniniwala si Manilyn na importante ang komunikasyon sa isang mag-asawa. Proud si Manilyn sa kanyang mister na ever supportive sa kanya at sa kanilang tatlong anak.

Kapanabayan bale ni Mane (palayaw ni Manilyn) sina Sheryl Cruz at Tina Paner na pareho nang hiwalay sa kanilang partner.  

 

Ex ni Bistek nanahimik pa rin

Mami-miss sigurado sa public at private functions ng kanyang (dating) karelas­yon na si Quezon City Mayor Herbert `Bistek’ Bautista si Tates Gana ngayong open na sa publiko ang relasyon ng batang alkalde sa Queen of All Media na si Kris Aquino. Sa mahabang panahon ay si Tates ang kinilalang mayora at `First Lady’ ng Quezon City kahit hindi sila kasal sa ama ng kanyang dalawang anak na sina Athena at Harvey.

Up to now ay tahimik pa rin si Tates tungkol sa relasyon ngayon nina Mayor Bistek at Kris Aquino.

vuukle comment

ALJON

ALJON JIMENEZ

BISTEK

CAVITE VICE-GOV

KANYANG

KRIS AQUINO

MANILYN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with