^

PSN Showbiz

Mga kinasuhan ni Vhong hindi tatantanan ng DOJ

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Mismong si DOJ Secretary Leila de Lima ang nagsabi na hindi puwedeng lumabas ng bansa ang mga akusado sa pambubugbog at serious illegal detention kay Vhong Navarro.

Nasa look out bulletin pa lang ng Bureau of Immigration ang grupo nina Cedric Lee at Deniece Cornejo. Wala pa silang hold departure order mula sa korte pero sa isang interbyu sa TV, nagsalita si Secretary De Lima na hindi maaaring umalis sa Pilipinas ang mga sinampahan ni Vhong ng grave coercion at serious illegal detention.

Ipinaliwanag ni Secretary de Lima sa mga m­iyembro ng media ang panig ng DOJ dahil sa tangkang pag-alis ni Ferdinand Guerrero noong Linggo. Nabulilyaso ang Hong Kong trip ni Guerrero dahil sinita ito ng immigration officer habang nakalinya siya sa immigration counter.

 

Alfred balik-trabaho na

May indie movie na gagawin si Congressman Alfred Vargas pero hindi pa puwedeng i-reveal ang title at ang mga pangalan ng kanyang co-stars.

Excited na si Alfred sa nalalapit na pagsisimula ng shooting ng kanyang indie film. Matagal-tagal na rin mula nang gumawa ng pelikula at lumabas sa TV si Alfred dahil naging priority niya ang pag-aalaga sa kanyang nanay na nagkasakit at pumanaw noong first week ng April.

Si GB Sampedro ang direktor ng indie film na pagbibidahan ni Alfred at o­fficial entry sa Cinemalaya Independent Film Festival.

 

Anak ni Alma mas magaling umarte

Naninibago ako kay Aljur Abrenica kapag pinapanood ko siya sa Kambal Sirena dahil Inglisero ang kanyang karakter na si Kevin.

Nasanay kasi ako na straight Tagalog ang mga dialogue ni Aljur sa kanyang mga nakaraan na teleserye sa GMA 7.

Si Winwyn Marquez ang kontrabida sa buhay nina Aljur at Louise delos Reyes sa Kambal Sirena.

Effective na kontrabida si Winwyn dahil sa kanyang mahusay na acting bilang Macy, ang two-timer ex-girlfriend ni Kevin.

Hindi naman siguro magre-react si Alma Moreno sa obserbasyon ko na mas mahusay umarte si Winwyn kesa sa kanya. Tulad ng nanay niya, seksing-seksi si Winwyn. Hindi lang niya namana ang inosenteng mukha ng kanyang mother dear.

 

Excited sa tsinelas

Mama Salve, excited na ako sa pralala ng isang bagong friend natin na si Aries Razal. The who siya? Siya ang friend ko na magbibigay sa akin ng branded na tsinelas na sure na sure akong susuutin ko sa Startalk.

Sa KSA as in Kingdom of Saudi Arabia na­kabase ang aming new found friend na matagumpay sa kanyang pinasok na propesyon pero hindi ko sasabihin kung anong klaseng trabaho dahil mara­ming inggitera noh.

Basta excited na ako Mama Salve. Thank you rin nga pala Aries dahil nabalitaan ko na regular reader ka ng PSN (online).

vuukle comment

ALJUR

ALJUR ABRENICA

ALMA MORENO

ARIES RAZAL

KAMBAL SIRENA

KANYANG

MAMA SALVE

WINWYN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with