^

PSN Showbiz

Diary ng panget pinipilahan, apat na bida instant sikat

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Natuwa ako nang malaman ko na pinipilahan sa takilya ang pelikulang Diary ng Panget dahil mabilis na kumalat ang balita na entertaining ang bagong pelikula ng Viva Films.

Ikinuwento sa akin ng mga nanood ng Diary ng Panget na very positive ang mga feedback sa surprise hit movie ng taon, considering na mga baguhan ang mga bida, sina Nadine Lustre, James Reid, Yassi Pressman at Andre Paras.

Siyempre, ang acting ni Andre ang kinumusta ko sa mga nanood ng Diary ng Panget at ang sabi nila, marunong umarte ang anak nina Benjie Paras at Jackie Forster. Perfect daw si Andre sa role nito kaya effortless ang kanyang acting.

Mabait na anak at kapatid si Andre kaya gustong-gusto ko na sumikat siya. Hindi lamang siya mabait na bata, very responsible pa. Dahil sa success ng Diary ng Panget, tiyak na magkakaroon ng follow up project ang apat na sikat. Apat na sikat talaga ‘huh!

Wish ko lang, magpatawag ng victory party ang Viva Films para sa apat na sikat para maramdaman naman nina Yassi, Andre, James at Nadine na stars na sila dahil kumita sa takilya ang Diary ng Panget!

Showbiz personality na gumagawa ng sariling isyu hinihintay ang next move

Headline na naman si Anne Curtis ng mga d­iyaryo dahil sa isyu na sumabay pa sa promo at publicity ng kanyang upcoming concert sa May 16, ang Annekapal.

Hindi ko na poproblemahin si Anne dahil tiyak na malalampasan niya ang bagong pagsubok sa kanyang career.

Mas iniisip ko pa ang next move ng isang showbiz personality na hindi nagpapakabog at talagang gumagawa ng sariling isyu para mapag-usapan siya. Ano kaya ang next pralala niya?

Sa totoo lang, umiral ang pagkabingi ko nang una kong marinig ang isyu na tungkol kina Anne Curtis at Sam Concepcion.

Yam ang dinig ko sa name ni Sam. Nagtaka pa nga ako dahil paano nagkaroon ng koneksyon kay Anne ang sexy star na si Yam Concepcion?

Nagkaroon ng linaw ang lahat nang maglabasan ang mga balita. Si Sam pala na boyfriend ni Jasmine Curtis Smith ang involved sa isyu, hindi si Yam. Nakakaloka ako ‘di ba?

Speaker belmonte at Dingdong nakiramay kay Cong. Alfred

Noong Martes ko lang nalaman na matagal nang magkaibigan  sina Dingdong Dantes at Alfred Vargas.

Ang akala ko, naging close sila nang magkasama sa Encantadia pero mali pala dahil magkaklase sina Alfred at Dingdong sa Ateneo de Manila University mula pa noong Grade 2 sila.

Kape’t gatas ang tawag sa dalawa dahil mestiso si Dingdong at moreno si Alfred. Sila ang magkakampi kapag napapaaway sa mga kapwa estudyante.

Sobrang close sila kaya ipinangampanya noon ni Dingdong ang kandidatura ni Alfred. Hindi nasayang ang kanyang pagod dahil nahalal si Alfred na house representative ng District 5 ng Quezon City.

Isa si Dingdong sa mga nakiramay kay Alfred nang pumanaw ang nanay nito. Limang oras na nag-stay si Dingdong sa lamay kaya confirmed na super close sila ni Alfred.

Naabutan ko nga pala si House Speaker Sonny Belmonte sa lamay para sa madir ni Alfred noong Martes. Nag-stay din nang matagal si Papa Sonny na tatay-tatayan ni Alfred sa mundo ng pulitika.

Interview ni Ricky Lo sa mga bida ng Spiderman 2 tuloy na ang pag-ere sa Startalk

Hindi naipalabas sa Startalk noong Linggo ang interview ni Ricky Lo kina Emma Watson, Jamie Foxx at Andrew Garfield dahil kinulang kami sa oras.

Hindi dapat ma-upset ang fans ng The Amazing Spiderman 2 dahil sure na sure na mapapanood sa Startalk sa darating na Linggo ang one-on-one interview ni Papa Ricky sa lahat ng stars ng Spiderman.

vuukle comment

ALFRED

ALFRED VARGAS

AMAZING SPIDERMAN

ANNE CURTIS

DAHIL

PANGET

RICKY LO

STARTALK

VIVA FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with