^

PSN Showbiz

Sexy actor panay ang post ng pictures sa Amerika dahil sa mayamang bading

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Ngayong araw na magsyu-showing ang pelikulang Kamandag ni Venus na ang buong akala namin, parang kuwento rin ng Galema ni Andi Eigenmann.

Ito ang pelikulang magbabalik sa dating sexy star na si Rajah Montero sa sirkulasyon dahil matagal siyang nawala at nasangkot sa bugawan isyu.

Ang sabi ni Rajah, gusto lang daw niyang patunayan sa lahat na kaya niyang bumangon kahit nalugmok siya noon sa pangit na isyung kinasangkutan.

Kaya nag-ipon ito nang husto sa mga raket niya sa ibang bansa para makabalik siya sa showbiz ng bonggang-bongga!

PAK: Pinagdudahang dinala sa Amerika si sexy actor ng dyowang isang mayamang bading.

Matagal nang nasa showbiz si sexy actor pero medyo umokey ang career nito pagkatapos niyang sumali sa isang reality TV show.

Hindi lang kami sure kung first time niya sa Amerika pero panay ang post ni sexy actor sa kanyang Instagram account ng mga ginawa niya sa Amerika.

Tuloy lumabas sa isang blog na dala siya ng dyowang bading dahil doon sinilebreyt ang kanyang kaarawan.

Hindi lang daw sure kung “legal” na dyowa ba siya dahil matagal nang nali-link si sexy actor kung kani-kaninong bading.

BOOM: Marami na ang sumusubaybay sa kuwento ng anak ni Jackie Forster na si Caleigh na may leukemia.

Na-document ni Jackie ang halos lahat na ginagawa sa anak niya at kung gaano katapang ang bata na harapin itong karamdaman niya.

Kaya hindi pinalagpas ng Startalk na hingan ng pahayag si Andrei Paras na umiiwas pag-usapan ang tungkol sa kanyang ina.

Pero kapatid niyang may sakit ang involved dito kaya hiningan ito ng kahit mensahe man lang pero tumanggi ang bagets.

Hindi pa tapos ang isyu niya sa kanyang ina kaya pinili nitong manahimik na lang muna.

“No comment” lang ang sagot ng anak ni Benjie Paras dahil mas mabuting wala na raw siyang sasabihin.

Maayos naman ang paliwanag ni Andrei na ayaw na niyang magsalita. Pero aminado siyang nalungkot siya nang husto para sa kanyang kapatid.

vuukle comment

AMERIKA

ANDI EIGENMANN

ANDREI

ANDREI PARAS

BENJIE PARAS

CALEIGH

JACKIE FORSTER

KAYA

PERO

RAJAH MONTERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with