PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Sharon mabigat ang pakiramdam sa pag-babu ng show

Malungkot na masaya ang last taping day ng tawa-serye ng TV5 na Madam Chairman dahil mami-miss nila ang isa’t isa. Mula October hanggang February, magkakasama na ang buong cast na pinangungunahan ni Sharon Cuneta kaya hindi maiwasang maging close sila.

Inalam namin ang nararamdaman ni Sharon sa pagtatapos ng kanyang show sa Feb. 28? Sagot nito, ayaw niya sanang pumunta sa taping dahil ang sakit-sakit sa dibdib at mabigat ang feeling niya dahil mami-miss niya ang lahat.

 “Natutuwa ako dahil ang role kong si Bebeth de Guzman, she helps to humanize me to my audience,” sabi ni Sharon.

Samantala, bago magbakasyon si Sharon to take a breather, magti-taping na sila ni Richard Gomez ng pilot ng Pirated Family na papalit sa Confessions of a Torpe next week. Si Joel Lama­ngan pa rin ang director, si Joey Reyes ang scriptwriter at gusto ni Sharon na ang team ng Madam Chairman pa rin ang makasama sa bagong show.

Maggi-guest sa last episode nila ang cast ng Confessions of a Torpe kasama sina Ogie Alcasid, Jojo Alejar, at Ba­yani Agbayani at kuwela ang eksena nila.

May nagtsika rin sa amin na malapit nang muling gumawa ng pelikula si Sharon at dini-develop na ng Viva Films ang concept ng movie.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Dingdong at Lovi excited kay Maricel

Nagkita na sina Maricel Soriano, Lovi Poe, at Dingdong Dantes Thursday evening. Kasama ng main characters ng new GMA 7 soap na Ang Dalawang Mrs. Real si director Andoy Ranay, respective managers ng tatlo, at GMA executives.

Pinag-usapan na ang respective characters nila at schedule ng taping. Feel ang excitement ni Direk Andoy sa tweet nitong “Eto na!!! My beautiful cast.”  

Nagkasama na sina Lovi at Dingdong sa pelikulang Tiktik: The Aswang Chronicle kaya understandable kung mas excited to work with Maricel. Tsika sa amin, nag-bonding agad ang two leading ladies ni Dingdong at kinausap ng one-on-one ni Maricel si Lovi. Hanggang matapos ang meeting, nakangiti pa rin si Lovi.

Tom nagpakondisyon

Natuloy ang taping nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez ng Magpakailanman sa Baguio last Thursday and yesterday, Friday. Si Dennis, nanggaling ng Baler, Aurora kung saan dumeretso after mag-renew ng kontrata sa GMA 7 to surf.

Galing naman sa Subic, Zambales si Tom, sa shoo­ting ng Let’s Take a Chance movie nila ni Carla Abellana sa Regal Entertainment, Inc. After ng Third Eye, ang nasabing pelikula ang next na ipapalabas ng Regal.

Sa fans ni Tom na inereklamo ang pag­taba ng aktor, sabi ng manager ni­tong si Popoy Caritativo, gugulatin tayo ng aktor dahil payat pala ito at nasa kondisyon ang katawan dahil sa workout. May eksena ito sa Let’s Take a Chance na naka-swimming trunks kaya kinailangan nitong magpakondisyon.

James ipangtatapat kay Daniel!

Si Andoy Ranay din ang napili ng Viva Films na idirehe ang Diary ng Panget, ang screen adaptation ng 2013 biggest #1 best-selling book series. Kung manonood ang over 12 million na nakabasa ng libro ni Denny, maghi-hit ang pelikula.

Nagsimula nang mag-shooting sina Nadine Ilustre, James Reid, Andre Paras, at Yassi Pressman na sa April 2 na ang playdate ng movie.

Launching movie ito ni Nadine at kung magiging box-office success at kung tatanggapin ng tao ang love team nila ni James, sila ang ipangtatapat kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ng ABS-CBN at Star Cinema.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: