^

PSN Showbiz

Pero hindi raw sila ha: Daniel inamin ang pakikialam sa buhay ni Kathryn

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Abala na ngayon sa taping ng kanilang bagong teleserye sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, ang Got to Believe. Halos araw-araw na magkasama ang magka-M.U. (mutual understanding) dahil sa kanilang trabaho. Napabalitang si Daniel ay may pagkaseloso lalo pa kapag may ibang lalaking lumalapit kay Kathryn.

“Ano’ng mas gusto n’yo, ’yung nasasakal kayo or walang pakialam sa inyo? Para sa akin tama lang naman na medyo gano’n ka eh kesa pinapabayaan mo. Malay mo kung mapasama pa sa ibang tao. Lahat naman ayaw natin na ’pag naagaw sa ’yo,” paliwanag ni Daniel.

Hindi naman daw tipo ng aktor ang pinapakialaman lahat ng mga desisyon ni Kathryn.

“Bakit ko naman gagawin ’yon? Kung ako naman, nandito lang ako para maggabay din kay Kathryn. Wala namang pinagbabawal kasi hindi naman talaga kami eh. Baka naman sabihin niya, ‘Ano ba naman itong lalaking ito, feelingero?!’ natatawang pahayag ng binata.

“Basta alam na niya ’yun. Meron akong mahabang sinabi kay Kathryn na gano’n tungkol sa pananamit kung bakit huwag ’yun. Hindi lang naman para sa akin ’yun eh,” dagdag pa niya.

Pagdating naman sa inang si Karla Estrada ay suportado naman ito ng anak kung sakaling maisipan nang magpakasal.

“Hangga’t masaya ang nanay ko okay lang. Basta hindi siya sinasaktan. Desisyon niya ’yun, dapat sigurado na siya, na ’yun na nga ’yun kasi mahirap ’yun,” pagtatapos ni Daniel.

Zanjoe nabawasan ang pagiging problemado dahil kay Bea

Ilang taon na ring magkarelasyon sina Zanjoe Marudo at Bea Alonzo. Ayon sa aktor ay malaki na ang ipinagbago ng mga pananaw niya sa buhay mula nang makarelasyon ang dalaga.

“Mas nabawasan ’yung pagiging worrier ko, mas naging kalmado. Before ang dami kong iniisip. Ang dami kong tanong pero after ngayon sa mga nangyari mas naging simple ang mga pag-iisip ko, mas positive. Naging inspirasyon kasi siya sa akin eh. Siguro mas tumaas ’yung pangarap ko at mas naniniwala na ako sa sarili ko,” nakangiting pahayag ni Zanjoe.

Sinusuportahan ng aktor ang lahat ng ginagawa si Bea at ganoon din naman ang aktres sa kanya. Ito na raw marahil ang dahilan kung bakit magkasundung-magkasundo ang dalawa.

“Huwag mong babawalan ’yung isang tao sa gusto niyang gawin. Kung ano ’yung nagpapasaya sa kanya, kung ano ’yung nagpapasaya sa bawat isa, suportahan. Siguro kami hanggang pagtanda hindi ko siya pipigilang mag-artista, hindi niya ako pipigilang mag-artista, dahil gusto naming mag-act so, hindi ko ’yun ipagkakait sa kanya,” paliwanag ng binata.

Samantala, masayang-masaya rin si Zanjoe dahil nasundan na noong Linggo ang Z Cup, ang sariling golf tournament ng aktor. Matatandaang nagsimula ang nasabing event noong 2010 pero natigil ito. Si Bea ang nag-organisa ng lahat upang matuloy ang ikalawang Z Cup bilang sorpresa ng dalaga para sa kaarawan ni Zanjoe.

“Unang-una kasi this year ’di ko talaga pinlano. So, nakakatuwa na si Bea. Siya ’yung nag-encourage sa akin na ituloy ko ’tong ganitong klaseng event kasi nga nasimulan ko na at hindi ko naman ini-expect na may plano siya,” kuwento ng binata. Reports from JAMES C. CANTOS

                        

vuukle comment

ANO

BEA

KATHRYN

NAMAN

YUN

Z CUP

ZANJOE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with