^

PSN Showbiz

Hindi magtatrabaho habang nagsyu-shooting ang anak: Kris tatalbugan si Mommy Divine (Geronimo) sa pagiging stage mother kay Bimby

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Sa kauna-unahang pagkakataon ay gagawa na ng pelikula ang bunsong anak ni Kris Aquino na si Bimby. Makakasama nito sina Ryzza Mae Dizon at Vic Sotto sa Torky at My Little Bossing na makakalahok sa Metro Manila Film Festival sa December.

 â€œNaku! Hindi ako magtatrabaho during this whole time. Kaya advance kami nang advance ng Kris TV kasi sinabi ko na sa kanilang lahat (staff) na on the days that he’s shooting ay nakatutok ang nanay. Sabi ko nga, mapapahiya si Mommy Divine (Geronimo) sa akin,” natatawang pahayag ni Kris.

Nakilala kasi si Mommy Divine na la­ging nakasuporta at nakabantay palagi sa anak na si Sarah Geronimo. Nakiusap ang aktres na si Joyce Bernal ang magdirek ng nasabing proyekto ni Bimby at pumayag naman ang kampo ni Bossing Vic.

“Pumayag sila na si Direk Joyce Bernal ang hahawak kasi nakiusap ako, sinabi ko na Bimb is very comfortable with her, kilalang-kilala nila ang isa’t isa at sana ay mapagbigyan kami for this. Sobrang bait nila and ang daling ka-deal. I was told that Direk Tony Reyes (madalas na direktor ni Vic sa mga pelikula) is going to be the supervising producer. So, everybody’s happy,” kuwento ni Kris.

Pinapanood ng Queen of All Media si Bimby ng show ni Ryzza Mae Dizon para makilala ng anak ang batang aktres.

“She’s funny mama ’tapos tawa siya nang tawa. Sabi niya I don’t want to dance that ha? Sabi ko you don’t have to. You are a boy,” natatawang kuwento ni Kris.

Ang tinutukoy ni Bimby ay ang pagsasayaw ni Ryzza ng chacha.

Love life ni Bea hindi perpekto

Ilang taon nang magkarelasyon sina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo. Ayon kay Bea, hindi naman siya pinapakialaman ng kanyang pamilya pagdating sa pag-ibig.

“Madalas hindi sila nakikialam. May trust sila sa akin. Hindi naman ako pumapatol sa isang bagay agad-agad na hindi ko pinag-iisipan,” bungad ni Bea.

Nakasuporta ang magulang at kapatid ni Bea kapag may karelasyon ang aktres.

“Sa akin malaking factor ’yung sasabihin ng magulang ko, ’yung kapatid ko. Madalas bago ko pasukin, nakikilala muna nila ’yung lalaki tapos nalalaman na nila agad bago ako. And I know ‘pag gusto nila ‘yung lalaki para sa akin,” pahayag ni Bea.

Pagdating naman sa pakikipagrelasyon ng nakababatang kapatid ng aktres ay hindi rin niya ito pinakikialaman.

“Pagdating sa pag-ibig hindi rin ako perpekto eh. Hindi ko kayang makialam. Basta kung saan magiging masaya ’yung kapatid ko, doon ako,” giit ng aktres.

Pinakikialam lamang ni Bea ang kanyang kapatid pagdating sa ibang aspeto ng buhay tulad ng pag-aaral nito.

“’Yung kapatid ko kahit four years na ’yung pagitan namin parang naging second mom na niya ako. Dahil maaga akong nagtrabaho so, lagi akong may say sa pag-aaral niya ngayon, kung saan siya magtatrabaho, kung saan siya pupunta for holidays, mga ganyan,” nakangiting kuwento ng aktres. Reports from JAMES C. CANTOS

                                                             

vuukle comment

AKO

BEA

BEA ALONZO

BIMBY

MOMMY DIVINE

RYZZA MAE DIZON

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with