^

PSN Showbiz

Ina ni Anne, crush na crush si Daniel

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Matindi raw ang paghanga ng ina ni Anne Curtis na si Mommy Carmen kay Daniel Padilla. Bukod sa panonood ni Mommy Carmen ng mga programa sa telebisyon ni Daniel ay nanood din daw ito ng concert ng binata sa Araneta Coliseum kamakailan. “Love na love niya kasi si Daniel Padilla. As in naiinis siya sa cameraman,” bungad ni Anne. Kukunan daw sana ni Mommy Carmen si Daniel sa Araneta ng picture nang bigla raw humarang ang cameraman. Mismong si Anne ay gumawa raw ng paraan para mapasaya ang ina. “Tinry ko na nga kay Tita Karla (Estrada) noong nandito si Daniel sa Showtime. Bagong opera (Si Mommy Carmen), so hindi pa puwede in public places. So bago siya umalis, nagawan natin ng paraan na makapagpa-picture,” kuwento ni Anne.

“Di ba nag-tweet nga ‘yan na ‘Crush na crush ko si Gino Padilla’. Sabi ko ‘Ma, sino si Gino Padilla?’ Si ano, kasi ni-link niya ‘yung pangalan. Eksaktong Gino Padilla (singer) was in Showtime sabi ko, pero ang nakalagay ‘Ang cute ni Gino Padilla rito sa Princess and I.’” dagdag pa niya. Ginampanan ni Daniel ang papel ni Gino sa Princess And I kaya napagsama ni Mommy Carmen ito sa Padilla.

Kamakailan ay sumailalim ang mommy ni Anne sa isang knee-joint replacement surgery at ngayon ay tuluyang nagpapagaling bago ito bumalik sa Australia. “Dito muna siya, sa akin siya nag e s-stay everyday. Ang sarap ng may nanay sa bahay, nakakaloka! May nagmamando sa bahay ‘yung ganun. Kasi ako, wala lang, okay,” pagtatapos ng aktres.

Tutti na-in love kay Kathryn

Aminado ang bokalista ng bandang 6Cyclemind na si Tutti Cari­ngal na crush niya si Kathryn Bernardo. Kailan kaya nagsimula ang paghanga ni Tutti kay Kathryn? “Noong nanood ako ng Sisterakas, in love na ako kay Kathryn Bernardo. Sobrang ganda niya. Nag-promote kasi kami (sa ASAP), kaso wala akong magawa kasi ka-holding hands niya si Daniel (Padilla) so nagmukmok lang ako sa isang tabi. Pero okay lang ‘yun,” pabirong sagot ni Tutti. “Kung makausap n’yo si Kathryn sana bigyan niya ako ng fan sign tapos ilagay n’yo sa Instagram. Matutuwa na po ako no’n. it would be much appreciated,” dagdag pa niya.

Samantala, nanalo bilang konsehal si Tutti sa kanilang bayan sa Laguna nitong nakaraang eleksiyon. Likas na raw sa kanilang pamilya ang maglingkod sa bayan. “I come from a family of military people. On my mom’s side, tatlo ang nag-PMA (Philippine Military Academy), doon sa dad’s side ko apat ‘yung nag-PMA. My dad’s a general and my grandfather was the former secretary of National Defense. Medyo linya na namin ‘yung public service. So nag-PMA rin ako pero hindi natapos. I guess, ‘yung frustration kung paano ko matutuloy ‘yun is through politics or public service,” paliwanag ni Tutti. -Reports from JAMES C. CANTOS

                                                  

 

 

vuukle comment

AKO

DANIEL PADILLA

GINO PADILLA

KATHRYN

KATHRYN BERNARDO

MOMMY CARMEN

NIYA

PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with