^

PSN Showbiz

Hindi natsugi!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Excited ang fans ni Sarah Geronimo dahil sa balita na magkakaroon siya ng weekly drama anthology sa ABS-CBN.

Matagal na nilang hindi napapanood si Sarah na umaarte sa TV kaya looking forward sila sa pagsisimula ng kanyang drama anthology pero siyempre, mauuna muna na ipalabas sa mga sinehan ang pelikula nila ni John Lloyd Cruz, ang It Takes a Man and a Woman.

Dahil may kapalit ang Sarah G. Live! safe na sabihin na papalitan at hindi basta natsugi ang Sunday primetime show ni Sarah. Kapag sinabi na tsinugi, wala itong kapalit.

Matapos makapahinga Jackie nagmukhang sariwa

Ang Sana ay Ikaw na Nga ang talagang ma­tsutsugi dahil hanggang bukas na lang ito mapapanood sa afternoon block ng GMA 7. In fairness, tumagal din sa TV ng anim na buwan ang show nina Andrea Torres at Mikael Daez. Tiyak na nakaipon sila nang malaki mula sa kanilang talent fee sa Sana ay Ikaw na Nga.

Ang Bukod Kang Pinagpala ang ipapalit sa Sana ay Ikaw na Nga. Bidang-bida sa bagong afternoon serye ng Kapuso Network ang aking inaanak na si Mark Anthony Fernandez.

Tatlong babae lang naman ang mag-aagawan sa kanya, sina Jackie Rice, Jennica Garcia, at Camille Prats.

Medyo na-delay ang presscon ng Bukod Kang Pinagpala noong Martes dahil hinintay pa ang pag-akyat ni Camille sa 17th floor ng GMA Network building. Nanggaling pa kasi si Camille sa taping ng Mars, ang show nila ni Suzi Entrata-Abrera na napapanood sa GMA News TV.

Gandang-ganda kay Jackie Rice ang mga reporter nang umapir siya sa presscon ng Bukod Kang Pinagpala.

Matagal na walang teleserye si Jackie. Nakapagpahinga siya nang husto kaya fresh na fresh ang kanyang itsura sa press launch ng bagong show ng GMA 7.

Kasali nga pala sa show ang child star na si Mona Louise Rey na mabilis din ang pagtangkad. Walang ipinagkaiba ang bagets kay Jillian Ward na dalagita na ang itsura.

As usual, anak na hinahanap ang tunay na magulang ang role ni Mona Louise sa Bukod Kang Pinagpala. Sandali lamang ang pagpapahinga ni Mona Louise dahil nang matapos ang Aso ni San Roque, nabigyan agad siya ng bagong project.

Video pictorial ni Dindi patok sa YouTube

Mapapanood na sa Youtube ang video ng pictorial ni Dindi Gallardo para sa Esquire.

Kinunan ang video sa pictorial ni Dindi sa New York noong December 2012.

Marami ang nagkagusto sa video dahil ang ganda-ganda pa rin ni Dindi. Mas maganda siya ngayon kesa nang mapanalunan niya ang Bb. Pilipinas-Universe crown noong 1993.

Mababasa ang artikulo tungkol kay Dindi sa February 2013 issue ng Esquire magazine at mapapanood sa Youtube  (http://www.youtube.com/watch?v=epqRiDVIXTw) ang video na kinunan sa New York house ni Dindi at ng kanyang mister na si Eric Mills. Marami na ang nag-like sa sexy video. Sa mga hindi pa nag-like, ano pa ang hinihintay n’yo?


                                 

vuukle comment

ANDREA TORRES

ANG BUKOD KANG PINAGPALA

BUKOD KANG PINAGPALA

DINDI

IKAW

JACKIE RICE

MONA LOUISE

NEW YORK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with