^

PSN Showbiz

Kris magse-surfing sa kanyang birthday

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Sa Siargao, ang surfing capital ng bansa na nasa Surigao del Norte, magsi-celebrate ng kanyang 43rd birthday si Kris Aquino. Sa mismong araw ng ka­arawan, sa Feb. 14, ang alis ni Kris at mga ma­ka­ka­sa­ma at hanggang Feb. 17 sila roon.

Na-tweet na ng TV host-actress ang tungkol dito at sabi magsasama ng staff ng Kris TV para maipa­labas din sa kanyang morning show. Kahit daw hindi siya marunong mag-surfing at konti lang ang alam sa swimming, gusto pa rin ni Kris na sa Siargao mag-celebrate ng birthday.

Para sa Kris TV pa rin ang ipupunta ni Kris sa General Santos sa Thursday at Friday. Excited na rin itong makarating sa lugar ni Rep. Manny Pacquiao.

Samantala, masaya si Kris dahil tumaas ang 9 p.m. timeslot ng ABS-CBN dahil sa Kailangan Ko’y Ikaw nila nina Anne Curtis at Robin Padilla. Nagpapasalamat ito sa lahat nang sumusubaybay sa te­leserye na tatakbo ng 10 weeks.

Movie nina Richard at Marian wala pang petsa ang showing

May teaser na ang My Lady Boss nina Richard Gutierrez at Marian Rivera at kahit short teaser pa lang, nakakatuwa na. May chemistry talaga ang da­la­wa! Hindi pa ma-promote nang husto ang pelikula dahil inuna ang Seduction nila nina Sarah Lahbati at Solenn Heussaff na showing na bukas.

Bawal pa ring magkuwento sina Richard at Ma­rian tungkol sa second movie nila. Hindi tuloy ma-confirm kung tuloy sa Feb. 13 ang showing nito kasi sa teaser ay walang binanggit na petsa ng showing ng Regal Entertainment, Inc. and GMA Films movie.

Anyway, sa mga nagtatanong sa magandang ayos ng buhok ni Marian bilang si Chantal sa Temptation of Wife, gawa ito ni Celeste Tuviera. Hinulma sa ulo ng aktres ang wig kaya mukhang totoo.

Barbie nakiki-joy ride na sa bagong sasakyan ni Derrick

Very close talaga sina Derrick Monasterio at Barbie Forteza dahil nang m­abili ng una ang new black Montero, ang kapareha sa Paroa: Ang Kuwento ni Mariposa ang unang isina­kay. Nag-joy ride ang mga bagets at tuwang-tuwa ang young actress na nakabili ng bagong sasakyan ang young actor.

Magkakasama rin sina Derrick at Barbie sa show nila sa Qatar sa March 15. Yes, kumakanta si Barbie, hindi nga ba’t gagawa siya ng album na up to now hindi pa nasisimulan?

Kung si Barbie ang kasama ni Derrick sa Paroa, ang dating niligawang si Bea Binene naman ang ka­sama sa comedy show na Vampire ang Daddy Ko. Bukas na ang storycon nito at Feb. 5, ang first taping day sa direction ni Bibeth Orteza.

Aktres nagka-amnesia sa CDO

Naloka ang press people na naimbita ng isang network sa Cagayan de Oro sa pangdededma ng aktres na talent ng network. Wala ni isa sa kanila ang binati ng aktres, ni hindi ngumiti, basta dedma siya at walang care sa mga kaharap.

Hindi puwedeng irason ng aktres na hindi niya kilala ang press people dahil sila rin ang iniimbita ng network sa presscon ng shows niya at sa solo interview niya. Malabo ring sabihing hindi niya nakita ang press dahil sa harap niya sila nakapuwesto at siya ang host ng event ng network.

Biro tuloy ng press, lumabas lang ng Manila ay naging suplada na ang aktres at nakalimutan na sila. Hinihintay ng press ang susunod nilang encounter sa aktres para makita kung babatiin sila o dedma uli.

vuukle comment

AKTRES

ANG KUWENTO

ANNE CURTIS

BARBIE

BARBIE FORTEZA

BEA BINENE

FEB

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with