PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Dahil bawal mag-promote sa ASAP Martin maggi-guest sa Party P?!

Guest ngayon sa Sarap Diva ni Regine Velasquez sa GMA 7 ang mag-asawang Martin Nievera at Pops Fernandez at si Ogie Alcasid para i-promote ang Valentine’s Day concert nilang Foursome. Baka mag-guest din sina Martin at Pops sa ibang shows ng Kapuso Network.

Ang parang malabo ay ang sinasabing paggi-guest ni Martin sa Party Pilipinas  dahil nasa ASAP 2012 siya.

May nagtsika sa amin na nagbunga ang pagtu-tweet ni Martin na kinakansela ang guesting niya sa ilang shows ng ABS-CBN ‘pag nalamang ang ipu-promote niyang concert ay co-produced ng GMA Network at sa Channel 7 ang TV coverage. May mga naka-schedule na guesting si Martin sa shows ng ABS-CBN at puwede raw i-promote ang Foursome na February 14 na sa SM MOA Arena.

Ang na-tweet ni Martin, sa ASAP at Minute To Win lang siya pinayagang mag-promote, si Pops nag-guest sa It’s Showtime.

Glaiza napili para sa vampire… ni Vic Sotto

Matutupad ang matagal na pangarap ni Glaiza de Castro na makagawa ng sitcom dahil ang balita namin, ang aktres ang makakasama ni Vic Sotto sa bagong comedy show ni bossing sa GMA 7.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

May pamagat na Vampire Ang Daddy Ko  ang comedy show, kung saan, kasama rin sa cast sina Bea Binene, Derrick Monas­terio at John Feir. Tila kasama rin si Ryzza Mae Dizon at sa February 5 na ang start ng taping. Every Sunday, sa dating time slot ng comedy show ni Vic sa GMA 7 daw ilalagay ang bagong comedy show.

Kilala na ang kahusayang umarte ni Glaiza sa mga drama, patunay ang galing niya sa Temptation Of Wife  bilang si Heidi. Masusubukan naman ang galing niya sa comedy at sa husay niyang artista,

Samantala, tinanong namin si Glaiza kundi ba sila nagkailangan ni Dennis Trillo mula nang ma-link sila dito sa TOW? May nag-isip pa ngang baka siya ang maging next GF ng aktor?

 “Nasanay na rin ako na nali-link kami. Hindi maiwasang mag-isip ng ganoon ang tao dahil magkasama kami sa show at intense ang mga eksena namin, but there is nothing to be afraid of,” sagot nito.

Jasmine inamin na ang tungkol sa kanila ni Sam Concepcion

Maganda ang pasok ng 2013 kay Jasmine Curtis-Smith dahil bukod sa pagiging endorser ng Flawless, magkakaroon pa siya ng comedy show sa TV5 at ang title ay sunod sa kanyang pangalan.

Excited na rin siyang gawin ang first movie niya, ang indie film na Transit at entry sa 2013 Cinemalaya. Bawal pa siyang magkuwento tungkol dito, pero nangakong ‘pag puwede na, agad niyang itu-tweet.

Nali-link kay Sam Concepcion si Jasmine at hindi nito itinatangging they hang out, pero “Hohol o hang out hang out lang” pa lang ang status ng kanilang relasyon.

Last time na nakitang magkasama ang dalawa ay sa concert ng Swedish House Mafia. Sa tanong kung nanliligaw ang young singer-actor, “Siya lang ang nagpaparamdam ngayon,” ang sagot ni Jasmine.

Wala palang binanggit na specific treatment sa Flawless na ini-endorse si Jasmine, facial at iba pang maintenance treatment

Cha Cha ni Ryzza Mae gamit na gamit sa kanyang endorsement

Umeere na ang TVC ng first endorsement ni Ryzza Mae Dizon, ang Mister Donut kasama si Michael V. Malaki ang talent fee sa bagets (‘di puwedeng sabihin) at malaking tulong para makabili na ng sariling sasakyan.

Ang bongga nga ni Ryzza dahil ang TVC nila ni Michael V ang pantapat sa Dunkin Donuts ni Derek Ramsay. Nakakatuwa ang TVC dahil gamit na gamit ang pinasikat na cha-cha ng bagets.

Ang tsika, may isa pang endorsement si Ryzza at tila mas malaki ang talent fee sa tf niya ngayon sa Mister Donut. May dagdag pa siyang tf, kung totoong kasama siya sa cast ng comedy show ni Vic Sotto.

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: