^

PSN Palaro

So giniba ang Chinese GM, akyat sa No. 2

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling kumana ng importanteng panalo si Grandmaster (GM) Wesley So sa  sixth round para umangat sa ikalawang puwesto sa prestihiyosong 2018 Tata Steel chess tournament na ginaganap sa Hiversum, Netherlands.

Kinailangan ng 24-an­yos Cavite City pride ng 41 moves ng English Ope­ning upang patumbahin si GM Wei Yi ng China.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ni So matapos u­nang igupo si GM Baskaran Adhiban ng India sa fifth round.

Sa kabuuan, mayroon nang apat na puntos si So mula sa dalawang panalo at apat na draws para palakasin ang kanyang tsansang maipagtanggol ang korona sa torneong may nakalaang tumatagin­ting na €10,000 para sa magkakampeon at €6,500 naman sa runner-up.

Sumosyo ito sa No. 2 spot kasama sina GM A­nish Giri ng Netherlands at GM Viswanathan Anand ng India na pareho ring may apat na puntos.

Nauwi sa draw ang laban nina Giri at Anand sa kanilang sixth-round game.

Nahablot naman ni GM Shakhriyar Mamedyarov ng Azerbaijan ang solong liderato matapos makakuha ng 4.5 puntos mula sa tatlong panalo at tatlong draws.

Iginupo ni Mamedyarov si Adhiban sa kanilang laban.

Magkasalo sa ikalimang puwesto sina GM Vladimir Kramnik ng Russia at three-time Tata Steel titlist GM Magnus Carlsen ng Norway hawak ang magkatulad na 3.5 puntos.

Nakatali naman sa four-way tie sa No. 7 sina Gm Sergey Karjakin ng Russia, GM Maxim Matlakov ng Russia, GM Gawain Jones ng Great Britain at GM Peter Svidler ng Russia na pare-parehong may  tatlong puntos.

Bagsak si Wei sa No. 11 bitbit ang 2.5 puntos.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with