^

PSN Palaro

Tenorio siningitan si Esplana sa No. 15

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro Bukas(Smart Araneta Coliseum)

4:30 p.m. Kia vs Magnolia

7 p.m. Alaska vs Meralco

MANILA, Philippines — Bago matapos ang 2018 PBA Philippine Cup ay inaasahang malalampasan ni Barangay Ginebra veteran point guard LA Tenorio si Ricardo Brown para sa No. 14 seat sa all-time career assists leader.

Sa 104-97 panalo ng Gin Kings laban sa Globalport Batang Pier noong Linggo ay inagaw ni Tenorio ang No. 15 spot kay Gerry Esplana.

Ang pang-pitong assist ni  Tenorio kay Kevin Ferrer para sa three-point shot ng big guard sa 10:25 minuto ng third period ang nagtaas sa 33-anyos na playmaker sa 15th spot sa all-time assists list.

Kumolekta ang 12-year PBA veteran ng pitong assists sa naturang panalo ng Ginebra para maiposte ang 2,464 assists at ungusan si Esplana (2,459) sa pagi­ging No. 15.

Hindi nalalayo ang da­ting  Ateneo Blue Eagle kay Brown na may 2,480 assists at nakaupo sa No. 14 spot sa all-time assists list.

“To be honest, hindi ko alam at ine-expect na makukuha ko 'yung milestone kasi hindi ko siya tina-track down,” sabi ni Tenorio.

Ang ikalawang sunod na panalo ng Gin Kings ang nagtabla sa kanila sa nagdedepensang San Miguel Beermen para sa liderato.

“It's a blessing for me, an achievement na parang the more na gusto mo pang ipakita 'yung kaya mo gawin,” sabi ni Tenorio.

Samantala, nakatakdang magharap ang Magnolia at Kia bukas ng alas-4:30 ng hapon kasunod ang bakbakan ng Alaska at Meralco sa alas-7 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Parehong may 1-1 ba­raha ang Hotshots at Bolts, samantalang naghahanap ng kanilang unang panalo ang Picanto at Aces matapos ang 0-2 panimula sa torneo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with