^

PSN Palaro

Oladipo tinapos ang kamalasan ng Pacers

Pilipino Star Ngayon

INDIANAPOLIS — Sa tul­ong ng nagbabalik na si Vic­tor Oladipo ay tinapos ng Pacers ang kanilang limang su­nod na kamalasan.

Kumolekta si Oladipo ng 23 points, 9 assists, 6 re­bounds at 5 steals sa kan­yang pagbabalik mula sa right knee injury para tu­lungan ang Indiana na lum­pu­hin ang Chicago Bulls, 125-86.

Hindi nakapaglaro si Ola­dipo sa nakaraang apat na laro ng Pacers dahil sa kan­yang knee injury.

Nagdagdag naman si Domantas Sabonis ng 22 points, habang may 15 mar­kers si TJ Leaf para sa In­diana.

Ang ikaapat na agaw ni Oladipo ang nagresulta sa kanyang two-handed dunk para ibigay sa Indiana ang 24-17 abante laban sa Chi­ca­go sa 4:51 minuto ng first period at tiningnan ang mga fans sabay taas ng kanyang mga kamay.

“I was just out there pla­ying,” wika ni Oladipo. “I just kind of get lost in the game and do whatever I can to help my teammates. I just try to set the tone on both ends.”

Ang technical free throw ni Darren Collison at basket ni Sabonis ang naglayo sa Pacers sa 31-19 sa huling 2:43 minuto ng nasabing yug­to kasunod ang 14-0 rat­­sada sa second quarter pa­­ra tuluyan nang ibaon ang Bulls sa 48-28.

Umiskor si Bobby Portis ng 15 points, habang may tig-13 markers sina Denzel Va­lentine at Lauri Markka­nen para sa Chicago.

Sa Orlando, kumolek­ta si LeBron James ng 33 points, 10 rebounds at 9 assists para ihatid ang Cleveland Cavaliers sa131-127 pa­nalo laban sa Magic.

Nagdagdag si Kevin Love ng 27 points, habang may 19 markers at 4 assists si Isaiah Thomas para sa Ca­valiers.

Pinamunuan naman ni Aa­ron Gordon ang Magic, na­lasap ang ikaapat na su­nod na kabiguan, mula sa kan­yang 30 points kasunod ang 20, 18 at 16 markers ni­na Elfrid Payton, Evan Four­nier at Mario Hezonja, ayon sa pagkakasunod.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with