^

PSN Palaro

Lady Blazers, Red Spikers nakisosyo sa liderato

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
 Lady Blazers, Red Spikers nakisosyo sa liderato

Nakipag-selfie ang Perpetual Lady Altas sa pangunguna ni veteran open hitter Jowie Albert Verzosa sa bagong head coach na si Micheal ‘Macky’ Carino  na galing sa College of St. Benilde (CSB) Lady Blazers bago ang  opening ce­remony ng National Collegiate Athletics Association (NCAA) Season 93 volleyball tournament  na idinaos sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

MANILA, Philippines — Nagparamdam din ng lakas ang College of Saint Benilde nang pataubin  ang Colegio de San Juan de Letran, 25-22, 25-11, 25-20 upang sumosyo sa liderato sa NCAA Season 93 wo­men’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Sumandal ang Lady Blazers sa matikas na laro nina team captain Ranya Musa at Rachele Ann Austero na parehong humataw ng 14 puntos para dalhin ang kanilang tropa sa pambuenamanong panalo.

Nakalusot ang Lady Blazers sa kabila ng nagawang 30 errors.

Nabawi ito ng Benilde sa attack line tangan ang 36 hits kumpara sa 15 kills na nagawa ng Lady Knights. Dominado rin ng Lady Bla­zers ang service area (12-4) at blocking department (9-3).

Nakagawa si playmaker Pauline Cardiente ng 20 excellent sets para sa Benilde, malayo sa tatlong sets na nakubra ni Entezar Bangcola sa panig ng Letran.

“Marami kaming errors lalo na sa first set, we’re giving them (Letran) easy points. Hopefully, ma-minimize namin ito sa next games namin,” wika ni Lady Blazers head coach Arnold Laniog.

Sa kabilang banda, kinailangan ng San Beda College ng matinding puwersa bago itakas ang 23-25, 25-19, 13-25, 25-19, 15-9 panalo laban sa Jose Rizal University.

Bumandera sa hanay ng Lady Red Spikers si Marie Nieza Viray na may  nairehistrong 19 puntos katuwang si Premier Volleyball League veteran Cesca Racraquin na nagdagdag ng 13 markers.

Sumulong ang Benilde at San Beda sa 1-0 para saluhan sa tuktok ng stan­dings ang nagdedepensang Arellano University at San Sebastian College-Recoletos na kapwa nagtala ng unang panalo sa opening day.

Laglag naman ang Letran at JRU sa 0-1 kasalo ang Mapua University at Emilio Aguinaldo College.

Sa men’s division, namayani rin ang reigning titlist Benilde nang pataubin ang Letran, 25-12, 25-21, 25-18 sa likod ng matikas na laro ni Isaah Oneal Arda na pumalo ng 17 puntos mula sa 14 attacks, dalawang aces at isang block.

Nakalikom din ng siyam na digs at anim na receptions si Arda na siyang pangunahing inaasahan ng Blazers matapos maka-graduate si Season 92 MVP Johnvic De Guzman.

Nanaig din ang Benilde sa juniors division nang i­selyo ang 25-15, 20-25, 25-19, 25-20 panalo laban sa Letran.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with