PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Biado pasok sa main draw

MANILA, Philippines — Nakahirit din ng tiket sa main draw si world champion Carlo Biado sa prestihiyosong 2018 World Chinese 8-Ball Masters na gaganapin sa Enero 7 hanggang 12 sa Olympic Stadium sa Qinhuangdao City, China.

Si Biado ang ikalawang Pinoy na nakasisiguro ng puwesto sa main event ng world meet matapos unang makapasok si 2004 World 9-Ball Championship titlist Alex Pagulayan.

Nabigyan ng awtomatikong puwesto si Biado dahil sa kanyang kam­peonato sa 2017 World 9-Ball Championship na ginanap sa Doha, Qatar.

Bukod kay Biado, pasok din ang Amerikanong sina Shane Van Boe­ning, Karl Boyes at Corey Deuel, Gareth Potts ng Great Britain, World Junior Under 17 champion Sanjin Pehlivanovic ng Bosnia and Herzegovina, Toh Lian Han at Aloysius Yapp ng Singapore at sina Junko Tsuchiya, Fukuda Takeshi, Matsumura Hiroshi at Hijikata Hayato ng Japan.

May tsansa pang makapasok sa main event ang ilang Pinoy cue masters dahil magsasagawa pa ang organizers ng quali­fying event bago magsimula ang torneo.

Sa 64 manlalaro sa main draw, 40 slots ang ibibigay sa mga foreign players habang ang 24 berths ay nakalaan sa mga Chinese cue masters.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Gaganapin ang qualifying event mula Enero 4 hanggang 6 kung saan walong slots pa ang bakante sa main draw.

Ilan sa mga Chinese players na nakapasok ay sina 2015 at World Masters Champion Yang Fan, last year’s World Masters Runner-Up Zhang Kunpeng, 2016 World Chinese 8-Ball champion Shi Han­qing, two-time World Cup of 9-Ball Pool Champion Li Hewen, dating professional snooker player Liu Chuang, at Zheng Yubo.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: