PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Ayo nagsalita na

MANILA, Philippines — Binasag na ni Aldin Ayo ang kanyang katahimikan hinggil sa napapabalitang paglisan sa kampo ng De La Salle University.

Sa kanyang Twitter account na @AyoAV_official, sinabi ni Ayo ang ilang dahilan ng kanyang mga na­ging desisyon na umalis na sa Taft-based squad.

“We have different views in handling the team. I’ve always done what is necessary,” ani Ayo.

Hanggang sa mga oras na ito, wala pa ring kumpirmasyon ang La Salle sa pag-alis ni Ayo.

Gayundin naman ang University of Santo Tomas na siya umanong lilipatan ni Ayo.

Nanahimik si Ayo dahil ayaw nitong pangunahan ang unibersidad na mag-anunsiyo ng mga bagay- bagay.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Inaasahan niyang maglalabas ng statement ang unibersidad sa susunod na linggo.

“The reason why I kept mum is because of an agreement not to disclose any information before the 1st week of January or until the school makes its official statement. I am only brea­king my silence since the news has come out earlier than expected and only after getting permission,” sambit pa ni Ayo.

Kasabay nito, nagpa­salamat si Ayo sa buong La Salle community partikular na kay businessman Danding Cojuangco sa mainit na pagtanggap sa kanya sa loob ng dalawang taong panunungkulan bilang head coach ng Green Archers.

“Much gratitude to Boss ECJ, the Managers, School heads, the De La Salle community, all of the Green Archers fans. The two years I have spent with the Archers are two well-spent years indeed,” wika pa ni Ayo.

Itinanggi rin ni Ayo na nagre-recruit ito ng mga La Salle players para lumipat sa UST dahil maganda aniya ang pangangalaga ng pamunuan ng La Salle sa mga manlalaro nito.

Napabalita namang itinalaga ni Cojuangco si La Salle assistant coach L­ouie Gonzales bilang head coach ng Green Archers habang makakasama nito sa coaching staff si Glen Capacio.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: