^

PSN Palaro

Cavs ipinagpag ang wizards

Pilipino Star Ngayon
Cavs ipinagpag ang wizards

Nagpipilit makawala si LeBron James ng Cavs sa depensa ni Bradley Beal ng Wizards.

WASHINGTON — Nagbiro si LeBron James na pinalitan niya ang kanyang sapatos--isang itim, isang puti na may nakasulat na “equality” sa gold capital letters-- sa halftime dahil hindi maganda ang kanyang inilalaro.

“If that’s a bad game, then sheesh!” sabi naman ni teammate Kevin Love.

Tumapos si James na may 20 points, 15 assists at 12 rebounds para pamunuan ang Cleveland Cavaliers sa 106-99 panalo laban sa Wizards.

Ipinoste ni James ang kanyang ikaapat na triple-double sa huling limang laban ng Cleveland.

Ito naman ang ika-18 tagumpay ng Cavaliers sa huli nilang 19 laro.

Inamin ni James na ang pagpapalit niya ng sapatos ay may kaugnayan kay President Donald Trump.

“This is a beautiful country and we’re never going to let one person dictate how beautiful and how powerful we are,” wika ng four-time NBA MVP.

Binanderahan ni Love ang Cleveland mula sa kanyang 25 points at 9 rebounds  habang nagdagdag sina Jeff Green at Kyle Korver ng 15 at 11 markers, ayon sa pagkakasunod.

Huling nagharap ang Cavaliers at ang Wizards noong Nobyembre 3 kung saan nanaig ang Cleveland sa likod ng 57 points ni James.

Sa Toronto, tumipa si DeMar DeRozan ng 21 points habang naglista si Jonas Valanciunas ng 13 points at season-high 16 rebounds para sa 108-93 panalo ng Raptors laban sa Sacramento Kings.

Ito ang pang-siyam na sunod na home win ng Toronto, nakakuha kay Kyle Lowry ng 16 points kasunod ang 14 markers ni Norman Powell.

Pinamunuan nina Bogdan Bogdanovic at Garrett Temple ang Kings sa kanilang tig-18 points.

Sa New York, umiskor si Victor Oladipo ng 26 points, samantalang nag-ambag si Domantas Sabonis ng 17 markers mula sa bench para tulungan ang Indiana Pacers sa 109-97 paggupo sa Brooklyn Nets.

Nagdagdag si Myles Turner ng 16 points kasunod ang 15 markers ni Cory Joseph para sa Pacers.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with