^

PSN Palaro

Thunder itinakas ni Westbrook sa 3 OT

Pilipino Star Ngayon
Thunder itinakas ni Westbrook sa 3 OT

Tangkang supalpalin ni Dario Saric ng 76ers ang pa-dunk na si Russell Westbrook ng Thunder.

PHILADELPHIA - Para kay Russell Westbrook ang huling halakhak.

Nagtala si Westbrook ng triple-double sa kanyang tinapos na 27 points, 17 rebounds at 15 assists para akayin ang Oklahoma City Thunder sa 119-117 triple overtime win laban sa 76ers.

Ipinoste ni Westbrook ang kanyang ika-10 triple-double ngayong season at pang-89 sa kanyang career.

Nagdagdag sina Paul George at Carmelo Anthony ng tig-24 points kasunod ang 14 markers ni Raymond Felton para sa Thunder, kinuha ang kanilang ikatlong sunod na road win.

Ito ang ika-17 sunod na pagdomina ng Oklahoma City laban sa Phildelphia.

Matapos ang laro ay ininis ni Westbrook si 76ers superstar center Joel Embiid.

“I was telling him, ‘Go home,” sabi ni Westbrook, naasar kay Embiid nang ka­wayan ng social media star si Oklahoma City center Steven Adams matapos ma-foul out.

Tumapos si Embiid na may 34 points sa loob ng 49 minuto bagama’t sumasakit ang likod.

Dinala ni Embiid ang Philadelphia sa unang overtime matapos supalpalin si Westbrook at naki­pag-trash talk kay Anthony.

Itinaas ni Embiid ang kanyang mga braso at hinikayat ang kanilang mga fans na isigaw ang “Trust the Process!”

Sa Houston, nagtala si guard Chris Paul ng 28 points, 8 assists at 7 steals para ihatid ang Rockets sa 124-109 panalo laban sa San Antonio Spurs.

Ito ang pang-12 sunod na ratsada ng Houston.

Si Paul ang naging u­nang player sa NBA history na nagposte ng 28 points, 8 assists at 7 steals sa isang laro kontra sa San Antonio.

 Nagdagdag si James Harden ng 28 points, 7 rebounds at 6 assists para sa Rockets.

Sa Milwaukee, nagposte si Bobby Portis ng career-high na 27 points at humakot ng 12 rebounds para pamunuan ang Chicago Bulls sa 115-109 panalo laban sa Bucks.

Ito ang pang-limang dikit na arangkada ng Bulls, nakahugot sa nagbabalik na si shooting center Nikola Mirotic ng 22 points.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with