^

PSN Palaro

Pacquiao nagpaparamdam kay McGregor

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dahil sa posibleng pinakahuli niyang laban ay natural lamang kay Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao na maghangad ng malaking laban at premyo.

Sa kanyang Twitter at Instagram ay ipinoste ni Pacquiao ang litrato ni UFC superstar Conor McGregor na nakaupo sa isang sofa at nagrerelaks.

Ito ay nilagyan ni Pacquiao ng caption na: “Happy Thanksgiving @TheNotoriousMMA Stay fit my friend. #realboxingmatch #2018.”

Maaaring nagpaparamdam na ang 38-anyos na si Pacquiao ng  kagustuhang labanan ang 27-anyos na si McGregor sa susunod na taon.

Noong Hulyo 2 ay isinuko ni Pacquiao ang kanyang suot na World Boxing Organization welterweight crown matapos matalo kay Jeff Horn via unanimous decision sa Suncorp Stadium sa Brisbane, Australia.

Sa kanilang nilagdaang fight contract ay may naka­saad na rematch clause kung saan maaari lamang itong gawin sa Australia.

Hindi pumayag ang Senador at  idinahilan ang pagiging abala sa kanyang trabaho.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with