^

PSN Palaro

Pagulayan laglag sa 3rd place

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagkasya sa third-place trophy si dating world champion Alex Pagulayan sa pagtatapos ng 2017 Canadian Eastern 9-Ball Championship na ginanap sa RailBirds Billiards sa Halifax, Nova Scotia sa Canada.

Lumasap ng dala­wang sunod na kabiguan si Pagulayan kabilang ang 7-11 pagyuko kay John Morra ng Canada sa hot seat na siyang naging dahilan upang mahulog ito sa losers’ bracket.

Hindi rin pinalad si Pagulayan sa losers’ co­lumn nang umani ito ng 9-11 desisyon laban naman kay Mika Immonen ng Finland.

Napasakamay ni Immonen ang kampeonato makaraang talunin nito si Morra sa championship round sa pamamagitan ng makapigil-hiningang 17-16 desisyon.

Nagkasya lamang si Pagulayan sa $3,570 konsolasyon habang nasungkit ni Immonen ang $7,144  premyo samantalang may $5,359 naman na kinita si Morra bilang runner-up.

Samantala, nahulog naman sa 2-2 rekord si Dennis Orcollo sa 2017 Let’s Make It Happen 8-Ball Championship na ginaganap sa Sancastle Billiards sa Edison, New Jersey.

Umani si Orcollo ng 8-10 kabiguan kay Jayson Shaw ng Scotland.

Magkakasalo sa No. 2 spot sina Orcollo, Shaw at Joshua Filler hawak ang pare-parehong 2-2 baraha habang wala pa ring talo si Corey Deuel ng Amerika sa apat na laro para masungkit ang unang silya sa finals.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with