Ikaapat na MVP kay June Mar?
MANILA, Philippine – Abot-kamay na ni San Miguel Beer center June Mar Fajardo ang ikaapat na sunod na Most Valuable Player award ng Philippine Basketball Association lalo na’t malaki ang tsansa niyang maging Best Player of the Conference (BPC).
Sa pagpasok sa playoffs ng Governors Cup, nakapagtala ng 38.4 statistical points ang Cebuanong si Fajardo, habang nakabuntot naman sa kaniya ang kakamping si Alex Cabagnot (33.5 SPs).
Nasa ikatlong pwesto naman si GlobalPort hotshot Terrence Romeo (32 SPs), habang kabilang din sa listahan ang isa na namang Beermen na si Arwind Santos (31.5 SPs), at sina TNT KaTropa main man Jason Castro (31.11 SPs).
Kandidato na agad sa MVP race si Fajardo matapos kilalaning Philiipine Cup BPC.
Kung masungkit ang ikaapat na MVP, makakasama ni Fajardo sa kasaysayan sina Ramon Fernandez at Alvin Patrimonio.
Fajardo cinch to win 4th straight MVP award? pic.twitter.com/FwrOGz98OB
— nelson beltran (@nelbeltran) September 27, 2017
- Latest