PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Pinay spikers bagsak sa Koreans

MANILA, Philippines - Bigo na naman ang Phi­lippine women’s team la­­ban sa South Korea, 25-23, 25-18, 25-12, para sa ka­­nilang ikalawang sunod na pagkatalo sa 19th AVC Asian Senior’s Women’s Championship kahapon sa Biñan City, Laguna.

Ito na ang kanilang ikala­wang sunod na kamalasan ng mga Pinay spikers ma­tapos sa Kazakhstan, 23-25, 20-25, 19-25, noong Biyernes.

Sa service ace ni Aby Ma­raño dumikit ang tropa ni coach Francis Vicente, 23-24, kasunod ang error na naghatid sa 25-23 panalo ng Korea sa first set.

Tangan ang parehong 0-2 marka sa Pool E, mag­haharap ang Nationals at Vietnam ngayong alas-5:30 ng hapon.

Kung mananalo ang tro­­pa ay mananatili ang ka­nilang pag-asa na tumapos sa No. 5 hanggang No. 6, habang ang Korea, Kazakhstan, Japan at Thailand ay malaki ang tsansang pu­masok sa semis.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: