^

PSN Palaro

Skippers asinta ang krusyal na panalo

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Skippers asinta ang krusyal na panalo

Sinabi ni Pimentel, na­kikita nila ang objective ni Pangulong Duterte pero kailangan nito ng mas mahabang panahon kaya hindi nila maaring ipagkait sa commander-in-chief ang hinihiling nitong extension. Pimentel office/Released, File

Laro Ngayon (Ynares Sports Arena, Pasig)

3 p.m.  Gamboa Coffee Mix vs Marinerong Pilipino

5 p.m.  AMA Online Education vs Tanduay

MANILA, Philippines - Target ng Marinerong Pilipino na maitala ang importanteng panalo laban sa Gamboa Coffee Mix upang mapalakas ang tsansa nitong makahirit ng tiket sa quarterfinals sa pagpapatuloy ng 2017 PBA D-League Foundation Cup ngayong hapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Galing ang Skippers sa tatlong sunod na panalo upang mapaganda ang kanilang rekord sa 4-4 na nagdala sa kanila sa ikaanim na puwesto.

“Right now, we are seeing the light at the end of the tunnel,” wika ni Marinerong Pilipinas head coach Koy Banal.

Kinakailangan ng Skippers na maipanalo ang kanilang huling mga laro upang makaiwas sa anumang kumplikadong sitwasyon.

Kaya naman wala sa isip ng Marinerong Pilipino na maging kampante partikular na sa Gamboa Coffee Mix na nagnanais magkaroon ng magandang pagtatapos ang kanilang kampanya at mapaganda ang kanilang 1-7 na rekord.

Magtutuos ang Coffee Lovers at Skippers sa alas-3 kasunod ang duwelo ng AMA Online Education at Tanduay sa alas-5 ng hapon.

Sasandalan ng Skippers sina Mark Isip, Archie Iñigo at Julian Sargent na pangunahing pinagkukunan ng lakas ng tropa.

Lumasap ang Coffee Lovers ng pitong sunod na kabiguan kaya’t uhaw ang bataan ni playing-coach Leo Avenido na makakuha ng panalo.

Sa kabilang banda, nakasisiguro na ang Rhum Masters ng tiket sa quarterfinals ngunit hindi pa rito natatapos ang misyon ng koponan.

Nais nitong makuha ang ikalawang outright semis seat.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with