^

PSN Palaro

Perlas Spikers nagpalakas ng tsansa

Gilbert P. Bayoran - Pilipino Star Ngayon
 Perlas Spikers nagpalakas ng tsansa

 Hinatawan ni Amy Ahomiro ng Perlas-BanKo sina Macy Mendiola at Risa Sato ng BaliPure sa PVL All-Filipino Conference kahapon. (Joey Mendoza)
 

Water defenders pinabagsak

MANILA, Philippines -  Nakabangon ang Perlas Spikers sa dalawang sets na pagkakalugmok upang itakas ang 24-26, 13-25, 25-13, 25-22, 15-11 come-from-behind win laban sa BaliPure sa Premier Volleyball League Open Conference sa The Arena sa San Juan City.

Naging sandalan ng Perlas Spikers sina Kathy Bersola at Nicole Tiamzon para sumulong ang kanilang tropa sa 3-3 rekord at manatiling buhay ang pag-asa nitong makapasok sa semifinals.

“We just tried to keep calm and stick to our game plan. Ipinakita lang namin yung maturity namin dahil gusto talaga naming makapasok sa semifinals,” wika ni Bersola na nakalikom ng 24 puntos.

Humataw naman si Tiam­zon ng 20 puntos habang nakatuwang nito si Ella De Jesus na may 10 puntos at sina Sue Roces at Amanda Villanueva na may pinagsamang 14 puntos para sa Perlas Spikers.

“We’re hoping na magtuluy-tuloy yung momentum sa next games namin, kumukuha kami ng inspiration sa bawat isa sa amin. Mas nagiging solid kami pero kailangan pa namin ng mas magandang teamwork,” ani Tiamzon.

Kinakailangan ng Perlas na manalo sa Creamline sa kanilang laro sa susunod na linggo upang maipormalisa ang pagpasok sa semis.

Nahulog naman ang Water Defenders sa 2-3 marka.

Nakalikom si three-time NCAA MVP Grethcel Soltones ng 20 puntos habang nagtala si Aiko Urdas ng 16 puntos para pamunuan ang Water Defenders na nanganganib masibak sa kontensiyon.

Target naman ng nag­dedepensang Pocari Sweat at Air Force na ma­ipormalisa ang pagpasok sa semis sa pagharap sa magkahiwalay na laban ngayong hapon.

Titipanin ng Lady Warriors ang Adamson sa alas-6:30 ng gabi habang haharapin ng Lady Jet Spikers ang Power Smashers sa alas-4 ng hapon.

Sa men’s division, hindi matinag ang Mega Builders nang patumbahin nito ang Sta. Elena, 25-20, 25-20, 25-20 upang masiguro ang ikaanim na sunod na panalo.

Namayani rin ang Cignal sa Philippine Air Force, 25-20, 25-21, 25-23.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with