^

PSN Palaro

Marinerong Pilipino may pag-asa pa

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Ayaw sumuko ang Ma­rinerong Pilipino at sa huli nagawa pa nilang maka-eskapo laban sa Wangs Basketball sa pamamagitan ng 83-82 panalo upang manatiling buhay ang asam  na playoffs sa  2017 PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Naiwanan ng 13 puntos ang Marinerong Pilipino mahigit 4:46 na lang ang nalalabi, ngunit ayaw nilang magpatinag hanggang bumirada si Mark Isip at pinangunahan ang 16-2 run at maisalba ang Skippers sa malakas na bagyo.

Sa tulong nina Julian Sargent at John Lopez nakumpleto ng Skippers ang rally para sa 4-4 win-loss kartada.

Ipinagpatuloy ni Sargent ang matikas na laro sa pamamagitan ng decissive block kay Jon Gabriel para tuluyang gapiin ang Wangs na bumagsak sa 5-5 card.

“Clearly, it was the grace of God. It was our faith that gave us the positive attitude na kahit down by 13 kami in the last four minutes, we didn’t waive and kept on believing that God will help us,” sabi ni Skippers coach Koy Banal.

Umiskor si Isip ng walo sa kanyang kabuuang conference-best 29 puntos sa fourth quarter na may kasama pang siyam na rebounds at tatlong steals.

Si Lopez naman ay umani ng 12 puntos, eight rebounds at tatlong assists habang si JR Alabanza ay mayroong siyam na puntos at limang rebounds.

Si Sargent ay tumulong din ng walong puntos, siyam na rebounds at apat na assists at apat na block shots.

Dahil sa panalo, puwede pang makapasok ang Marinerong Pilipino sa quarterfinals kung manalo sila sa huling dalawang laro laban sa  Gamboa Coffee Mix at AMA Online Education.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with