^

PSN Palaro

Team Pacquiao dedma sa weight problem ni Horn

Dino Maragay - Pilipino Star Ngayon
Team Pacquiao dedma sa weight problem ni Horn

Si Manny Pacquiao ha­bang nagwo-work out sa isang gym sa Australia. Larawan mula sa philb5oxing.com

BRISBANE, Australia-- Hindi papansinin ng kampo ni Manny Pacquiao ang pagiging overweight ni Jeff Horn para sa kanilang nakatakdang laban bukas.

Sinabi ni assistant trai­ner Buboy Fernandez na maaaring ‘ploy’ lamang ang pahayag ni Horn na sobra ang kanyang timbang para sa welterweight limit.

“Ang labanan na ganyan, isa rin yan sa stra­tegy,” wika ni Fernandez kahapon sa lobby ng Sofitel Hotel isang araw bago ang official weigh-in para sa WBO welterweight title fight.

“Sa tinagal-tagal na natin sa larangan ng bo­xing, alam na natin yan,” dagdag pa ng kababata ni Pacquiao.

Sa isang open workout noong Huwebes ay sinabi ni Horn na tumitimbang siya ng 70.3 kilos, o 155 pounds – walong pounds ang sobra sa welterweight limit.

Ayon sa 29-anyos na challenger, ang pagkuha niya sa weight limit ang tanging hadlang para sa kanyang inaasam na tagumpay.

Habang pinoproblema ng Brisbane native ang weight issues, inaasahan namang papasa si Pacquiao sa weigh-in.

Nakatakda ang official weigh-in ceremony nga­yong alas-7 ng umaga sa Suncorp Stadium kung saan gagawin ang laban.

“Nasa 145 (pounds) lang tayo, wala tayong problema sa timbang,” wika ni Fernandez. “Wag natin intindhin kung overweight siya (Horn). So ang importante komportable tayo.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with