^

PSN Palaro

Beermen nagpalakas

Pilipino Star Ngayon
Beermen nagpalakas

Umatake si Phoenix rookie guard Matthew Wright sa gitna ng matibay na depensa ng NLEX kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City. (PBA Images)
 

Aces hiniritan ng panalo

MANILA, Philippines -  Determinado ang San Miguel na makabangon sa nauna nilang kabiguan sa Barangay Ginebra.

Ibinunton ng Beermen ang kanilang galit sa Alaska Aces matapos iposte ang 109-97 panalo para mu­ling palakasin ang kanilang tsansa sa ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinal round ng 2017 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Ynares Center sa Antipolo City.

Kumolekta si import Charles Rhodes ng 24 points at 10 rebounds para sa koponan ni coach Leo Austria.

Ang tagumpay ang muling nagtaas sa baraha ng San Miguel sa 7-2 para makasosyo ang Ginebra sa ikalawang puwesto sa ilalim ng Star (8-2) kasunod ang Meralco (7-3) at TNT Katropa (7-3).

Mula sa maliit na 53-50 abante sa halftime ay kumawala ang Beermen sa third period para ibaon ang Aces, nakamit ang ikaanim na sunod na kamalasan matapos ang 4-0 panimula, sa 71-59 sa 6:44 minuto nito.

Ang dalawang free throws ni import Charles Rhodes ang naglatag sa 17-point lead, 90-73, ng San Miguel sa huling 8:24 minuto ng fourth quarter.

Sa unang laro, dumiretso ang sibak nang NLEX sa kanilang ikalawang sunod na panalo matapos lusutan ang Phoenix, 116-114 sa likod ng 22 points ni Alex Mallari.

Nagdagdag si one-time PBA Best Import Wayne Chism ng 20 markers kasunod ang 14 at tig-10 points nina JR Quiñahan, Carlo Lastimosa at Kevin Alas, ayon sa pagkakasunod, para sa 2-9 baraha ng Road Warriors.

Kumamada naman si Matthew Wright ng game-high na 42 points para sa Fuel Masters, nahulog sa 4-7 baraha, kasunod ang 16 markers ni import Jameel McKay..

NLEX 116 - Mallari 22, Chism 20, Quinahan 14, Lastimosa 10, Alas10, Monfort 9, Al-Hussaini 8, Tiongson 7, Rios 6,Gotladera 4, Taulava 2, Baracael 2, Soyud 2.

Phoenix 114 - Wright 42, McKay 16, Jazul 13, Baguio 8, Torres 9, W. Wilson 7, Borboran 6, Alolino 5, J. Wilson 5, Intal 2, Dehesa 2, Kramer 0, Miranda 0.

Quarterscores: 35-22; 59-46; 83-79; 116-114.

SAN MIGUEL 109 - Ca­bagnot 25, Rhodes 24, Lassiter 19, Ross 18, Santos 10, Fajardo 5, Tubid 3, Espinas 2, Heruela 2, McCarthy 1, Semerad 0, Agovida 0, Reyes 0.

ALASKA 97 - Jefferson 23, Banchero 22, Dela Cruz 12, Racal 9, Thoss 8, Manuel 6, Enciso 5, Pascual 4, Galliguez 3, Hontiveros 3, Mendoza 2, Exciminiano 0.

Quarters: 25-24, 53-50, 84-68, 109-97.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with