Road Warriors sinagasaan ang Aces
MANILA, Philippines - Ito ang sinasabi ni head coach Yeng Guiao na kulang sa NLEX.
Nang makuha ni one-time PBA Best Import Wayne Chism ang kanyang ikaanim at huling foul sa ilalim ng limang minuto sa fourth quarter at nagtulungan sina guard Juami Tiongson at center Rabeh Al-Hussaini.
At ang resulta nito ay ang come-from-behind 100-92 victory ng Road Warriors laban sa Alaska Aces para sa kanilang kauna-unahang panalo sa 2017 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
“It’s a hard team to beat, especially with their press. Especially with the team that’s really struggling with their confidence, like us,” sabi ni Guiao sa Alaska, nalasap ang pang-limang sunod na kamalasan matapos ang 4-0 panimula sa torneo.
Kumolekta si Chism ng 22 points at 6 rebounds bago na-foul out sa huling limang minuto ng fourth quarter, habang nagtala si Tiongson ng 16 markers, 5 boards at 4 assists para sa NLEX, may 1-9 record ngayon.
Umiskor din ng 16 points ang bagong hugot na si JR Quiñahan ng 16 points kasunod ang 11 markers ni Kevin Alas, nakipagdaganan kay Alaska forward Calvin Abueva sa huling anim na minuto ng third period.
Inilista ng Aces ang 20-point lead, 35-15, sa nalalabing 25.4 segundo ng first quarter bago nakabawi ang Road Warriors sa second half at tuluyan nang agawin ang 94-88 kalamangan sa huling 1:12 minuto ng fourth period.
- Latest