PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

McGregor pumirma ng kontrata vs Mayweather

MANILA, Philippines – Ginawa na ni UFC star Conor McGregor ang kaniyang parte upang matuloy ang kakaibang bakbakan sa pagitan nila ni boxing superstar Floyd Mayweather Jr.

“It is an honour to sign this record breaking deal alongside my partners Zuffa LLC, The Ultimate Fighting Championship and Paradigm Sports Management,” pahayag ni McGregor na iniulat ng TheMacLife.com.

Sinabi ng kasalukuyang UFC lightweight champion na lagda na lamang ng undefeated American boxer ang kulang upang matuloy na ang sagupaan nila.

“The first, and most important part of this historic contract has now officially been signed off on. Congratulations to all parties involved. We now await [Mayweather adviser] Al Haymon and his boxer’s signature in the coming days,” dagdag niya.

Wala nang ibinigay pang ibang detalye ang kampo ni McGregor tungkol sa kontrata tulad ng petsa at lugar kung saan sila magtutuos ganun din ang hatian sa kikitain ng laban.

Inaasahan na gugulong na ng tuluyan ang paghahanda para sa paghaharap ng isang mixed-martial artist at ng isang beteranong boksingero.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: