^

Para Malibang

(55)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olvidado - Pang-masa

DAHIL alam ni Roger na si Yawana ay nasa banyo, kinausap na rin nito si Arturo.

“Tanga ka ba? Hindi mo ba nahahalatang napakatalino ng anak ko, hindi mo siya kailangang turuan? Niloloko ka lang niya!”

Natigilan si Arturo. “Bakit ho niya gagawin ‘yon? Ganoon ba kasama ang tingin ninyo sa inyong anak?”

“Inaagaw ka lang niya kay Nanette. Ninanakaw niya ang mga oras mo para sa panganay ... ang ibig kong sabihin, para kay Nanette.”

“Bakit ho napakapartikular ninyo kay Nanette? Ano ang ... espesyal na dahilan? Ang alam ko ay magkaibigan naman noon pa sina Yawan at Nanette.”

“Anak ko rin si Nanette!” Napabulalas si Roger.

“Po? Bakit ngayon ko lang nalaman?”

“Ano’ng sinabi niya sa ‘yo?”

“Magkaibigan lang sila. Dahil magkakaibigan din daw ang mga magulang nila.”

Sumeryoso nang husto ang expression ni Roger. “Kung hindi mo pa ako kilala puwes, magpapakilala ako sa ‘yo, binata. Ako si Roger, nagkasala sa pamilya kong sina Sheila, Nanette at iba ko pang mga anak. Dahil inabandona ko ang pamilya ko, pinili ko ang kerida kong si Alona. Naging anak namin si Yawana. Kakaiba siya. Masyadong kakaiba. Kaya mag-iingat ka sa kanya. Siya ang dahilan kaya pinagtatawanan ngayon si Nanette, akala ay nababaliw siya.”

“Napakasakit po sa akin ang nangyayari kay Nanette, Mang Roger. Isang anino raw ang gumugulo sa kanya. Pero pasensya na, pati yata ako ay hindi ko pa magawang maniwala na may aninong tumatakot kay Nanette. Baka masyado lang pagod ang inyong anak sa trabaho kaya kung anu-ano ang nakikita.”

Nagpalinga-linga si Roger, tinitiyak na walang Yawana o aninong nakikinig sa kanya. “Totoong may aninong gumugulo kay Nanette. Sa kanya lang nagpapakita para siya lang ang magmukhang nababaliw. Pero totoo ang tungkol sa anino. May pangalawang anino si Yawana at ito ang inuutusan niya para takutin si Nanette.”

Halos napaawang ang bibig ni Arturo sa pagkagulat.

“Oy, gumising ka! Paniwalaan mo ako! At kung totoong mahal mo si Nanette, damayan mo siya. Hindi ko pa alam ang totoong balak ni Yawana sa kanya pero kapag nasagad ang kabaliwan niya sa iyo, papatayin niya ang panganay ko para masolo ka niya. Huwag mo nang hintayin na mangyari ito, Arturo! Protektahan mo si Nanette!”    - Itutuloy

vuukle comment

PANGALAWANG ANINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with