PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Fernandez sa PSA Forum

MANILA, Philippines -  Papagitna si Philippine Sports Commissioner at cage great Ramon Fernandez bilang pangunahing panauhin sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayon sa Golden Phoenix Hotel sa Diosdado Macapagal Ave. Sunrise Drive sa Pasay City.

Kakatawan kay PSC chairman Butch Ramirez, inaasahang tatalakayin ni Fernandez ang Philippine Sports Institute program ng government sports agency pati na ang darating na Philippine National Games, sports caravan at iba pa sa sesyon na itinataguyod ng San Miguel Corp., Golden Phoenix Hotel, Accel at Philippine Amusement and Gaming Corp.

Makakasama ni Fernandez sa public sports program na isinasaere nang LIVE sa DZSR Sports Radio 918  ang mga opisyales ng Manila 10 Rugby Festival at ng Capiz Triaksyon International Triathlon na pamumunuan ni chairman Greg Atienza.

Hinihikayat ni PSA president Riera Mallari ng The Standard ang lahat ng miyembro na dumalo sa forum na magsisimula sa alas-10:30 ng umaga. 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: