PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

2-sunod sa Painters pinataob ang Floodbuster

Hinawi ni James Yap ng Rain or Shine si  Ryan Araña ng Mahindra. Miguel De Guzman

MANILA, Philippines - Hindi sinira ng Elasto Painters ang gabi ni head coach Caloy Garcia.

Nalusutan ng nagdedepensang Rain or Shine ang Mahindra sa overtime, 99-95 para solohin ang liderato ng 2017 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Ipinagdiwang ni Garcia ang kanyang pang-42 kaarawan kasabay ng pagtatayo ng Elasto Painters ng 2-0 baraha at pagpapatikim sa Floodbuster ng ikalawang dikit nitong kabiguan.

“Both teams wanted to win. Mahindra came out to play,” wika ni Garcia. “After a good game against NLEX, we came out too relaxed. But the chemistry we have, matagal na kaming magkakasama.”

Kumolekta si balik-import Shawn Taggart ng 29 points para sa Rain or Shine kasunod ang tig-12 nina James Yap at Beau Belga at 10 ni Jeff Chan.

Ang three-point shot ni Chan ang nagbigay sa Elasto Painters ng 97-93 abante sa huling 1:38 minuto ng extra period para ipagpag ang Floodbuster.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Ang split ni Taggart mula sa foul ni balik-import James White, umiskor ng 29 markers, ang nagtabla sa Rain or Shine sa Mahindra sa 88-88 sa huling 32.5 segundo sa fourth period.

Nauna nang itinala ng Elasto Painters ang 77-70 bentahe sa gitna ng final canto kasunod ang isinalpak na apat na tres ni Gary David na nagbigay sa Floodbuster ng 86-80 kalamangan sa huling 2:31 minuto nito.

Samantala, kasalukuyang naglalaban ang Meralco Bolts at NLEX Road Warriors habang sinusulat ito.

Rain or Shine 99 - Taggart 29, Belga 12, Yap 12, Chan 10, Almazan 9, Ahan­misi 8, Washington 6, Ponferada 5, Tiu 5, Cruz 2, Norwood 1, Tolomia 0, Trollano 0.

Mahindra 95 - White 29, David 13, Galanza 10, Celda 10, Deutchman 9, Paniamogan 8, Mallari 6, Caperal 4, Revilla 3, Guevarra 2, Salva 1, Teng 0, Yee 0, Arana 0, Salva 0, Ballesteros 0.

Quarterscores: 22-24, 45-43, 68-66, 88-88, 99-95 (OT).

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: