PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Lampawog inagaw ang Stage 8

UNISAN, Quezon, Philippines - Inangkin ng 19-anyos na 2015 Best Young Rider awardee ang Stage Eight, habang inagaw naman ng nagdedepensang kampeon ang Red Jersey sa 2017 LBC Ronda Pilipinas.

Nagsumite si Jay Lampawog ng Navy-Standard Insurance ng bilis na apat na oras, 29 minuto at 29 segundo para pagharian ang 183-km Stage Eight na pinakawalan sa Daet, Camarines Norte at nagtapos dito kahapon.

Inungusan ni Lampawog ang kakamping si three-stage winner at defending champion Jan Paul Morales (4:30:39) at sina Stage Six king Jaybop Pagnanawon (4:30:39) ng Bike Extreme, Jonel Carcueva (4:30:39) at Bryant Sepnio (4:30:39) ng Go for Gold, Reynaldo Navarro (4:30:39) ng Kinetix Lab-Army, Jigo Mendoza (4:30:39) ng Go for Gold, Ryan Serapio (4:31:21) ng Team Ilocos Sur, Ronnel Hualda (4:34:51) ng Go for Gold at Marvin Tapic (4:34:55) ng Kinetix Lab-Army.

“Nagkabantayan sa likod 'yung mga leaders. Kung hindi ako kakawala ako ang maiiwanan,” sabi ng tubong Villasis, Pangasinan na si Lampawog.

Napasakamay naman ng 31-anyos na si Morales, naghari sa Stage Two, Three at Seven, ang Red Jersey na dating suot ng kakamping si Rudy Roque nang magtala ng oras na 28:55:16.

“Nasunod lang 'yung play namin kasi kung maiiwan si Roque, ako ang kukuha (overall indivividual lead),”  wika ng pambato ng Calumpang, Marikina. “Masaya na rin kasi sa amin pa rin naman 'yung Red Jersey eh.” 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Nasa ilalim ni Morales sina Roque (28:57:09), Stage One winner Ronald Lomotos (28:59:30) ng Navy, Carcueva (29:00:19), Stage Four king Cris Joven (29:00:24) ng Kinetix Lab-Army, Sepnio (29:02:08), Navarro (29:02:15), Leonel Dimaano (29:02:22) n RC Cola-NCR, Ismael Grospe, Jr. (29:04:20) ng Go for Gold at Lampawog (29:04:33).

“Okay lang mawala sa akin 'yung Red Jersey, at least nasa team pa rin namin,” sabi ng 25-anyos na si Roque na hinawakan ang overall individial lead simula sa Stage One hanggang sa Stage Seven.

Nakatakdang bitawan ang 40-km criterium race Stage Nine bukas sa Paseo sa Sta. Rosa Laguna sa 14-stage race na inihahandog ng presentor na LBC katuwang ang MVP Sports Foundation, Petron, Mitsubishi, Versa.ph, Victory Liner, Maynilad, Standard Insurance.

Patuloy pa rin ang pa­ngunguna ng mga Navymen sa team overall classification matapos maglista ng oras na 116:46:48 kasunod ang Go for  Gold (117:07:01) at Kine­tix Lab-Army (117:27:50).

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: