^

PSN Palaro

Lee iniligtas ang Star sa Rain or Shine

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Si Paul Lee ang dating sinasandalan ng Rain or Shine sa mga mahahala­gang sitwasyon ng laro.

Ngunit kagabi ay ang Star ang iniligtas ng combo guard mula sa kabiguan.

Nagsalpak ng isang drive at three-point shot si Lee sa huling dalawang mi­nuto ng fourth period pa­ra ihatid ang Hotshots sa 99-91 panalo laban sa Elasto Painters sa 2016-2017 PBA Philippine Cup ka­gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Tumapos si Lee na may 14 points kagaya ni rookie guard Jio Jalalon sa ilalim ng 16 markers ni PJ Simon para sa ikatlong sunod na panalo ng Star matapos ang 0-2 panimula.

“Ginawa ko lang talaga ‘yung part ko. At the end of the day nasa amin din ‘yung huling halakhak,” sa­bi ni Lee, nakapalitan ni two-time PBAS Most Valuable Player James Yap.

Nang makatabla ang Star sa 48-48 ay isang 17-7 bomba ang inihulog ng Rain or Shine para kunin ang 10-point lead, 65-55, sa 4:30 minuto ng third period.

Naagaw ng Hotshots ang 90-88 abante bago na­kalayo sa 96-88 mula sa dalawang magkadikit na tres nina Lee at Aldrech Ramos sa huling 1:23 minuto.

Star 99 - Simon 16, Ja­lalon 14, Lee 14, Ramos 12, Maliksi 11, Pingris 11, Melton 6, Sangalang 6, Dela Rosa 5, Barroca 4, Reavis 0.

Rain or Shine 91 - Al­mazan 19, Washington 14, Tolomia 11, Norwood 10, Yap 9, Ponferrada 8, Ahanmisi 7, Belga 6, Cruz 5, Chan 2.

Quarterscores: 23-23; 42-41; 74-75; 99-91.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with