^

Bansa

Duterte sa Kongreso: Federalismo bilisan

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umapela muli si Pangu­long Rodrigo Duterte sa Kongreso na bilisan na ang pagpasa ng panukalang Federalismo sa bansa. 

Sinabi ng Pangulo, kung matapos daw ito sa loob ng tatlong taon, agad siyang magbibitiw at bigyang-daan ang bagong liderato sa bagong porma ng gobyerno. 

Naniniwala ang Pa­ngulo na lalo pang mapapaunlad ang mga rehiyon sa Mindanao sa ilalim ng federalismo.

Kasabay nito, mu­ling tiniyak ni Pangulong Duterte sa Mindanao ang pagbuhos nito ng suporta at pondo partikular sa Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Ginawa ni Duterte ang pahayag sa isinagawang paglulunsad ng Comprehensive Reform and Development Agenda sa ARMM at iba pang conflict affected areas sa Regions IX, X at XII sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex (SKCC), Office of Regional Governor (ORG) Compound, Cotabato City.

Sinabi ni Pangulong Duterte, habang siya ang pangulo, ibibigay nito ang lahat ng kailangan para sa pag-unlad ng rehiyon at makabangon mula sa kahirapan.

 Ayon pa sa Pangulo, dapat matigil na ang kagutuman at mabigyan ng sapat na makakain ang mga taga-ARMM lalo ang mga bata.

Kaya sinabihan daw nito si Social Welfare Sec. Judy Taguiwalo na gawan ng paraan para maresolba ang hunger incidence sa ARMM.

vuukle comment

PANGU­LONG RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with