^

PSN Palaro

Belo nagpapansin agad sa PBA Draft Combine

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa taas na 6-foot-4 ay may sapat na lakas sa kanyang mga binti si dating collegiate star at Gilas Pilipinas forward Mac Belo para pangunahan ang dalawang skills test ng 2016 PBA Draft Combine kahapon sa Hoops Center.

Ang dating kamador ng Far Eastern University ang naglista ng highest leap na 33.7 inches sa standing vertical test at nagtala ng 43.5 inches sa maximum vertical test.

Kinilala naman si Filipino-American Ryan Arambulo bilang pinakamabilis sa 54 pang aspirante nang magposte ng 2.82 segundo sa ¾ Court Sprint at 47.22 segundo sa Shuttle Run.

Si PBA D-League slotman Jammer Jamito ang namuno sa lane agility drill sa kanyang bilis na 11.31 segundo at naglista si Raffy Banal ng 11.3 meters sa max med ball throw.

Sasabak ngayon ang 55 aplikante, kasama ang 12 Gilas Pilipinas players, sa single-round tournament kung saan sila hahatiin sa walong koponan na may tig-anim na players kasunod ang paghahayag ni PBA Commissioner Chito Narvasa ng final draftees.

Samantala, sinimulan na ng NLEX, igigiya ni coach Yeng Guiao, ang pagpapala­kas nang kunin si combo guard Carlo Lastimosa mula sa Blackwater kapalit ni James Forrester at isang future draft pick.

Ang naturang trade sa pagitan ng NLEX at Blackwater ay aaprubahan pa ni Narvasa.

vuukle comment

PBA DRAFT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with