^

PSN Palaro

Texters, Bolts unahan sa 1-0 lead

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mag-uunahan ang Me­ralco at Tropang Talk ’N Text na makuha ang pambuenamanong panalo sa paglarga ngayong gabi ng kanilang sariling best-of-five semifinal series sa PBA Governors’ Cup sa Araneta Coliseum.

Nakatakda ang Game 1 ng Meralco-TNT series sa alas-7 ng gabi.

Naisaayos ng Bolts at Tropang Texters ang ka­nilang paghaharap sa Final Four matapos dispatsahin ang kani-kanilang karibal sa quarterfinals noong Sabado.

Tinuldukan ng Meralco ang kampanya ng Mahindra sa pamamagitan ng 105-82 demolisyon kung saan pinamunuan ni import Allen Durham ang ratsada ng kanilang tropa.

Malakas na boltahe ang inilabas ni Durham nang magposte ito ng 24 puntos, 16 rebounds, anim na assists at isang block.

Ngunit ayaw ni Meralco head coach Norman Black na makuntento ang kanyang bataan sa pagpasok lamang sa semis.

Nais nitong ipagpatuloy ang kanilang magandang ratsada upang makalapit sa inaasam na kampeonato.

“The semis are not the end all we need to win the championship. The team has come a long way in the past two conferences, locals have come around,” ani Black.

Maliban kay Durham, kinakailangan ng malaking kontribusyon mula sa local players gaya nina Cliff Hodge, Jared Dillinger at Chris Newsome na nagtala ng double digits sa kanilang huling laro.

Hahataw din sina Reynel Hugnatan, Bryan Faundo at Jimmy Alapag.

Ang Tropang Texters naman ay umiskor ng 136-124 panalo laban sa Phoenix Fuel Masters sa kanilang quarterfinal game.

Bidang-bida sa naturang panalo si Jayson Castro na kumana  ng impresibong 42 puntos kasama pa ang apat na rebounds, tatlong assists at dalawang steals.

“Jayson’s getting to be an all around player already. Kay Jayson naman, he’s not too concerned about his personal stats basta manalo yung team masaya siya. Ang focus n’ya is to win the game and go into the next round,” ani TNT mentor Jong Uichico.

Balanse ang atake ng TNT dahil maliban sa kanilang import, maganda rin ang naitutulong ng iba pang manlalaro.

Sa katunayan, anim na Katropa ang nagtala ng double figures sa kanilang panalo sa Fuel Masters.

May 17 puntos si Michael Madanly habang tig-16 sina Ryan Reyes at Ranidel De Ocampo, 13 si Larry Fonacier at 12 si Kelly Williams.

Malalim ang lineup ng TNT dahil nariyan pa sina Mychal Lemar Ammons, Troy Rosario, Moala Tautuaa, Alex Nuyles at Matt Ganuelas-Rosser. 

Samantala, kasaluku­yang naglalaro ang nagdedepensang San Miguel at Barangay Ginebra sa Game 1 ng kanilang best-of-five semifinal series habang sinusulat ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with