^

PSN Palaro

PSL-Manila team sinimulan na ang pagsasanay

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Puspusan na ang pag­hahanda ng Philippine Superliga-Manila na sasabak sa FIVB Women’s World Club Championship na gaganapin mula Oktubre 18 hanggang 23 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nagsimula na ang pag­sasanay ng koponan ka­sama sina Serbian coach Moro Branislav at Japanese mentor Shun Takahashi na siyang magmamando sa PSL All-Star sa naturang world meet.

Kumpleto na ang lineup ng PSL-Manila dahil duma­ting na ang pitong foreign imports na makakasama ng local players na sina Jaja Santiago ng Foton Tornadoes, Jovelyn Gonzaga at Rachel Anne Daquis ng RC Cola-Army, Jen Reyes at Ces Molina ng Petron at sina Kim Fajardo at Mika Reyes ng F2 Logistics.

Unti-unti na ring naka­kaagapay sa klima at oras ang imports na sina Tinchaya Boonlert ng Thailand, Ekaterina Krivets ng Russia, Lynda Morales ng Puerto Rico, Yevgeniya Nyukhalova ng Ukraine, Lindsay Stalzer at Stephanie Niemer ng US at Yuri Fukuda ng Japan.

Tinututukan ng husto sina Santiago at Mika na tinukoy ni Branislav na may malaking potensiyal na maging pinakamahusay na manlalaro hindi lamang sa Pilipinas maging sa Asya.

Sa kabila ng maikling panahon ng paghahanda, nais nina Branislav at Takahashi na maging solido ang galaw ng PSL-Manila dahil makakasagupa ng koponan ang pinakamala­lakas na club teams sa mundo kabilang na ang Rexona Ades (Brazil), Pomi Casalmaggiore (Italy) at Eczacibasi VitrA Istanbul (Turkey) na siyang mga koponang makakaharap ng Pilipinas sa group stage.

Titipanin ng Pinay spi­kers ang Rexona Ades sa Oktubre 18 sa alas-7:30 ng gabi kasunod ang Pomi Casalmaggiore sa Oktubre 20 (7:30 p.m.) at Eczacibasi VitrA Istanbul sa Oktubre 21 (7 p.m.).

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with