Slaughter balik-aksyon sa Ginebra vs Mahindra
MANILA, Philippines - Isang magandang balita para sa mga fans ng Barangay Ginebra.
Tiniyak ni two-time PBA Grand Slam champion coach Tim Cone ang pagbabalik ni Greg Slaughter sa Setyembre 9 sa pagsagupa ng Gin Kings sa Mahindra Enforcers sa 2016 PBA Governor’s Cup.
“We’re expecting for him to play some minutes against Mahindra,” wika ni Cone sa seven-foot center na sumailaim sa isang surgery para sa kanyang ankle injury.
Sasama si Slaughter sa ensayo ng Ginebra ngayong linggo para paghandaan ang kanyang pagbabalik sa hardcourt sa kauna-unahang pagkakataon.
“He’ll be coming off the bench, and he’ll be playing limited minutes,” sabi ni Cone. “We’ll be bringing him back slowly.”
Dahil sa nasabing ankle injury ay hindi rin nakasama si Slaughter sa nakaraang kampanya ng Gilas Pilipinas sa 2016 FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
“(My ankle) gets a little sore when I run on it, but I think that’s just re-adjusting to movements,” wika ni Slaughter.
Umabante naman ang Ginebra sa eight-team quarterfinals cast matapos talunin ang Star, 116-103, noong Linggo.
Ayon kay Cone, maaaring magkaroon ng epekto sa Gin Kings ang pagbabalik ni Slaughter lalo na at gumaganda ang ipinapakita ni import Justin Brownlee.
“He could either be a disruption, because we’re playing good basketball, or he can be a bona fide extra weapon that will take us to a new level,” wika ni Cone. “That’s really up to us, as a coaching staff, to make that happen.”
Kasalukuyang kasosyo ng Ginebra sa ikalawang puwesto ang Mahindra sa magkatulad nilang 6-2 record sa ilalim ng TNT Katropa (6-1) kasunod ang nagdedepensang San Miguel (5-2), Meralco (5-3), Globalport (3-4), Rain or Shine (3-4), Phoenix (3-4), Alaska (3-5), NLEX (3-5), Star (1-6) at Blackwater (1-7).
Ang mga koponang uupo sa No. 1 hanggang No. 4 ay hahawak ng ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinals.
- Latest