^

PSN Palaro

Chiefs nakisalo sa itaas Altas ginulpi ang Blazers

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(The Arena, San Juan)

12 nn. SSC vs Mapua (Srs)

2 p.m. LPU vs JRU (Srs)

4 p.m. Letran vs SBC (Srs)

 

MANILA, Philippines - Inilampaso ng University of Perpetual Help System Dalta ang College of St. Benilde sa pamamagitan ng 70-45 panalo upang mapalakas ang tsansa nito sa Final Four ng NCAA Season 92 men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Ibinuhos ng Altas ang ngitngit nito sa Blazers matapos lasapin ang 55-71 kabiguan sa kamay ng San Sebastian College noong nakaraang linggo.

Umangat sa 9-3 ang Perpetual Help

Matinding depensa ang ginamit ng Altas para mali­mitahan ang produksiyon ng Blazers na nagtala lamang ng kabuuang 17 puntos sa buong second half.

“We needed to do eve­rything right because we came from a painful loss, good thing something came out of it. We also played good defense,” ani Perpetual Help coach Jimwell Gican.

Apat na Altas ang nagtala ng double digits sa pa­ngunguna ni Bright Akhuetie na bumira ng 15 puntos at anim na rebounds.

Naasahan din si Gab Dagangon na naglista ng 12 puntos gayundin si Ge­rald Dizon na may 11 puntos at Prince Eze na naglista ng double-double na 10 puntos at 12 boards.

Lumasap ng ika-12 ka­biguan ang Blazers para manatiling nakalugmok sa ilalim ng standings.

Ito ang pinakamasamang kartada ng St. Benil­de sapul nang sumali ito sa liga noong 1998. Nalampasan nito ang 0-11 rekord ng Blazers noong 2004.

Sa ikalawang laro, na­pasuko ng Arellano University ang Emilio Aguinaldo College, 83-74, para uma­ngat sa liderato kasalo ang San Beda College.

Hindi maawat si Jio Ja­lalon na humataw ng 21 puntos, walong rebounds at siyam na assists habang nakatulong din si Kent Salado na naglagak naman ng 15 puntos at siyam na boards sa panig ng Chiefs na umangat sa 10-2 baraha, parehong marka ng Red Lions.

UPHSD 70-- Akhuetie 15, Dagangon 12, Dizon 11, Eze 9, Coronel 9, Sadiwa 6, Singontiko 3, Gallardo 2, Hao 2, Mangalino 0, Pido 0.

CSB 45--Domingo JJ 19, Young 8, Dixon 4, Fajarito 4, Saavedra 3, Castor 2.

Quarterscores: 19-17, 34-28, 52-35, 70-45.

ARELLANO 83 - Jalalon 21, Salado 15, Flores 10, Meca 9, Villoria 8, Gumaru 6, Holts 6, Enriquez 5, Cadavis 2, Aguilar 1, Canete 0.

EAC 74 - Morada 17, La­minou 16, Onwubere 11, King 10, Diego 8, Guzman 6, Munsayac 4, Neri 2,.

Quarterscores: 21-18, 37-35, 64-60, 83-74.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with