^

PSN Palaro

Champion ang Phoenix Tanduay sinilat sa game 3

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi na hinayaan pa ng Phoenix na makawala sa kanilang palad ang kampeonato nang itarak nito ang 87-78 panalo laban sa Tanduay sa rubber match upang pagha­rian ang PBA D-League Foundation Cup kagabi sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna.

Pinatunayan ni Confe­rence Most Valuable Player Mike Tolomia na karapat-dapat ito sa kanyang nakamit na parangal  matapos humakot ng 21 puntos, pitong rebounds at apat na assists para pamunuan ang Accelerators.

“Sanay na kami sa mga ganitong laro na maaga kami lumalamang pero nahahabol kami. Ang maganda lang sa team, mabilis kami nakakabalik dahil tulung-tulong kami para maibalik yung momentum and eventually makuha yung panalo,” wika ni Tolomia.

Mabangis din si Mac Belo na may double-double na 14 markers at 10 boards habang nagparamdam din ng lakas si dating University of Santo Tomas standout Ed Daquioag na sumakmal ng 10 puntos at limang assists.

“Basta nag-stay toge­ther lang kami as a team sa defense and kahit nag-struggle kami offensively, basta sama-sama kami, kaya naming manalo,” dagdag pa ni Tolomia.

Ito ang ikalawang sunod na korona ng Acce­lerators matapos mama­yagpag sa Aspirants’ Cup noong Abril.

Ang Phoenix ang ikalawang koponan sa liga na nakuha ang Aspirants’ Cup at Foundation Cup matapos itong makuha maisakatuparan ng NLEX Road Warriors ng dalawang beses.

Nanguna para sa Rhum Masters si Jaymo Eguilos na nagposte ng 16 puntos at anim na rebounds samantalang nagdagdag si Reden Celda ng 14 mar­kers at pitong boards.

Tinapos ng Accele­rators ang best-of-three championship series hawak ang 2-1 rekord.

Nanaig ang Phoenix sa Game 1 sa bendisyon ng 84-76 panalo bago naitabla ng Rhum Masters ang serye bunsod ng 89-75 panalo sa Game 2.

PHOENIX 87 - Tolomia 21, Belo 14, Daquioag 10, Escoto 9, Jose 9, Andrada 6, Mendoza 6, Inigo 5, Pogoy 4, Tamsi 3, Colina 0.

TANDUAY 78 - Eguilos 16, Celda 14, Acuna 13, Alolino 13, Lingganay 10, Ferrer 7, Belencion 3, Gotladera 2, Javillonar 0, Mendoza 0, Santos 0, Tagarda 0.

Quarters: 32-17, 48-34, 65-56, 87-78.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with