North squad kinumpleto nina Lee, Castro
MANILA, Philippines - Sina Jayson Castro ng TNT Katropa at Paul Lee ng Rain or Shine ang kumumpleto sa North squad para sa 2016 PBA All-Star Game sa Agosto 7 sa Smart Araneta Coliseum.
Ang starting lineup ng North team ay binubuo nina Mark Caguioa at Japeth Aguilar ng Ginebra, Terrence Romeo ng Globalport, Calvin Abueva ng Alaska at Marc Pingris ng Star.
Sa nakaraang PBA All-Star Game noong 2015 ay humataw si Romeo ng 30 points para ihatid ang North All Stars sa 166-161 panalo laban sa South.
Ito ang ikaapat na sunod na panalo ng North team kontra sa South sa ilalim ng North-vs-South format ng PBA All-Star Game.
Ang North squad ay pamamahalaan ni Elasto Painters’ coach Yeng Guiao.
Kabilang din sa koponan sina Stanley Pringle ng Globalport, San Miguel guard Alex Cabagnot, Rain or Shine Gabe Norwood at sina Ranidel de Ocampo at Troy Rosario ng TNT Katropa.
Samantala, si Asi Taulava ang papalit sa may injury na si seven-foot center Greg Slaughter ng Barangay Ginebra sa South team ni Beermen mentor Leo Austria.
Ang iba pang nasa South team ay sina San Miguel star center June Mar Fajardo, two-time PBA MVP James Yap ng Star, sina Joe Devance at rookie guard Scottie Thompson ng Ginebra, Jeff Chan, JR Quiñahan at Jericho Cruz ng Rain or Shine, San Miguel guard Chris Ross, Mark Barroca at RR Garcia ng Star at Blackwater scorer Carlo Lastimosa. (RCadayona)
- Latest