^

PSN Palaro

UP vs San Beda sa opening ng SVL Collegiate Conference San Sebastian, Perpetual unahan sa buwenamano

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Ynares Sports Arena)

(S pikers’ Turf)

11 a.m.  St. Benilde

vs La Salle

1 p.m.  UP vs EAC

(V-League)

4 p.m.  UP vs San Beda

6 p.m.  San Sebastian

vs Perpetual Help

 

MANILA, Philippines - Apat na koponan ang magtatangkang makahirit ng unang panalo sa pagsisimula ng Shakey’s V-League Season 13 Collegiate Conference ngayong araw sa Ynares Arena sa Pasig City.

Unang mapapalaban ang University of the Phi­lippines kontra San Beda College sa alas-4 ng hapon kasunod ang duwelo ng San Sebastian College-Recoletos at University of Perpetual Help System Dalta sa alas-6 ng gabi.

Umaasa si Gretchel Soltones na madadala nito ang kanyang magandang laro sa Open Conference upang tulungan ang Lady Stags na makuha ang titulo sa Collegiate Conference.

 Si Soltones ang itinanghal na season Most Va-­luab­le Player sa nakalipas na kumperensiya kung saan tinulungan nito ang Bali Pure na makuha ang bronze medal.

“Veteran na rin naman ang team namin at ma­laki ang tiwala ko sa mga teammates ko,” wika ng 20-anyos na si Soltones na fourth year Business Management student.

Noong nakaraang taon na pinagreynahan ng NU, bigo ang Lady Stags na makapasok sa semis matapos magtala lamang ng isang panalo sa limang laro kung saan nagsilbi lamang na libero si Soltones dahil sa shoulder injury.

Mapapalaban ang San Sebastian sa Perpetual Help na mayroon na ring malalim na karanasan dahil naglalaro ito sa Philippine Superliga All-Filipino Conference.

Sa kabilang banda, solido pa rin ang lineup ng UP sa pangunguna nina Open Conference Second Best Middle Blocker Katherine Bersola, UAAP Season 78 Rookie of the Year Isa Molde, Justine Dorog, Dia­na Mae Carlos, Nicole Anne Tiamzon at Marian Alisa Buitre.

Ang iba pang koponang kalahok ay ang defending champion NU, two-time UAAP titlist Ateneo, reig­ning NCAA champion College of Saint Benilde, FEU, UST at TIP.  Nasa Group A ang NU, Ateneo, San Sebastian, Perpetual Help at TIP habang nasa Group B ang Benilde, FEU, UST, UP at San Beda.

Sa Spikers’ Turf, aariba ang La Salle kontra Benilde sa alas-11 ng umaga kasunod ang duwelo ng UP at NCAA runner-up EAC sa ala-una.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with