^

PSN Palaro

Perpetual, Arellano mag-uunahan sa 3rd spot

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Palalakasin ng Arellano University at University of Per­petual Help System Dalta ang kanilang kampanya sa pagsagupa sa magkakahiwalay na laban sa NCAA Season 92 men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Unang aarangkada ang Chiefs laban sa Emilio Agui­naldo Generals sa alas-12 ng tanghali, habang sa­sabak ang Altas laban sa Saint Benilde Blazers sa alas-4 ng hapon.

Nakatakda rin ang engkuwentro ng Lyceum Pirates at San Sebastian Stags sa alas-2.

Magkasalo sa ikaapat na puwesto ang Arellano at Perpetual Help tangan ang parehong 3-2 marka, habang nangunguna ang San Beda College na may malinis na 6-0 rekord kabuntot ang Mapua Institute of Technology (5-1) at defending champion Colegio de San Juan de Let­ran (4-2).

Nakasakay ang Perpetual Help sa 61-55 panalo laban sa Letran matapos magningning si Bright Akhuetie na bumanat ng 21 puntos, 16 rebounds at tatlong blocks.

Pakay ni Akhuetie na maulit ang kaniyang nagawang 44 puntos nang talunin ng Altas ang Blazers noong na­karaang taon.

Nais ni Perpetual Help coach Gimwell Gican na ma­panatili ng kaniyang tropa ang mataas na intensidad ng paglalaro upang umangat pa ng husto sa standings.

“Kailangan pa naming mag-improve lalo na sa defense at maglaro kami as a team,” sambit ni Gican.

Galing naman ang Chiefs sa 86-101 kabiguan sa Red Lions noong Biyernes kaya’t gigil itong makaresbak upang makabalik sa porma ang kanilang koponan.

Sa juniors, pinana ng College of St. Benilde-La Salle Greenhills ang Jose Rizal University, 70-63, upang ma­ku­ha ang kanilang ikaapat na panalo (4-3).

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with