^

PSN Palaro

Sablan napipisil ng UST na pumalit kay Dela Cruz

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Maugong ang pangalan ni Blackwater assistant coach Boy Sablan bilang posibleng maging bagong mentor ng University of Santo Tomas sa University Athletic Association of the Philippines Season 79 men’s basketball tournament.

Nakatakdang mapaso ang kontrata ni Bong Dela Cruz bilang head coach ng Growling Tigers kaya’t inaasahang si Sablan ang hahalili sa mababakanteng puwesto ng una.

Si Sablan ay bahagi ng coaching staff nang magkampeon ang UST noong 2006 edisyon ng liga sa ilalim ni dating mentor Pido Jarencio.

Noong nakaraang taon, dinala ni Dela Cruz sa finals ang UST subalit yumuko ang koponan sa Far Eastern University, 1-2, sa kanilang best-of-three championship series.

Gumawa rin ng ingay ang mga alegasyon ng umanoy pananakit at pagbibitaw ng masasamang pananalita ni Dela Cruz sa mga manlalaro nito partikular na ang mga baguhan.

Tahasang itinanggi ni Dela Cruz ang mga paratang subalit nagsagawa ang UST ng imbestigasyon ukol dito.

Apat sa walong koponan sa UAAP ang una nang nagpasyang palitan ang kani-kanilang coaches.

Kinuha ng De La Salle University si Aldin Ayo na dating mentor ng Colegio de San Juan de Letran sa NCAA habang mamanduhan ang Ateneo de Manila University ni Tab Baldwin na kasalukuyang humahawak sa Gilas Pilipinas.

Sasandalan naman ng Adamson si dating La Salle coach Franz Pumaren samantalang ang University of the Philippines ay gagabayan ni Bo Perasol na dating coach ng Ateneo.

 

vuukle comment

PRINCESS SUPERAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with