^

PSN Palaro

Philips Gold hinugot si Bundit

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinuha ng Philips Gold ang serbisyo ni Thai coach Tai Bundit upang gabayan ang tropa sa kampanya nito sa Shakey’s V-League Open Conference volleyball tournament na magsisimula sa Mayo 15 sa The Arena sa San Juan City.

Kinumpirma ni Philips Gold team manager Eric Ty ang pagtatalaga kay Bundit bilang bagong head coach ng kanilang koponan.

Naniniwala ang pamunuan ng Philips Gold na malaki ang maitutulong ng Thai mentor upang higit na mapalakas ang mga manlalaro nito base na rin sa kanyang malalim na karanasan sa coaching.

Magugunitang dinala ni Bundit ang Ateneo sa back-to-back titles sa UAAP women’s vollleyball kasama pa ang runner-up finish sa katatapos lang na Season 78 ng liga.

Bahagi rin si Bundit ng national coaching staff ng Thailand na kilalang po­werhouse team hindi lamang sa Southeast Asian region maging sa Asian level.

Pinalitan ni Bundit ang dating coach na si Francis Vicente na nagpasyang ituon ang kanyang panahon sa pagpapalakas sa UE para sa susunod na edisyon ng UAAP.

Sinimulan na ni Bundit ang pagsasanay ng kopo­nan sa Moro Lorenzo Gym sa loob ng Ateneo campus sa Katipunan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with