^

PSN Palaro

4 Pinoy boxer pasok sa quarterfinals

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Apat na bagitong Pinoy boxers ang umusad sa quarterfinals matapos magtala ng impresibong panalo sa 2016 ASBC Asian Confederaiton Youth Boxing Championships na ginaganap sa Pavlodar, Kazakhstan.

Nanguna sa ratsada ng Pilipinas si Carlo Pa­alam na maagang pi­nagbakasyon si Tuan Mohamed  Zulkifli ng Malaysia matapos itala ang technical knockout win sa light flyweight class (49 kgs.). Nagpasya ang referee na itigil ang laban may 1:57 pang nalalabi sa second round matapos magtamo ng matinding suntok ang Malaysian pug.

Nagparamdam din ng lakas si ASBC Asian Confederation Junior Boxing Championships bronze medallist Ronald Chavez Jr. nang irehistro nito ang unanimous decision win (30-26, 30-25, 30-26) laban kay Rasit Mohammad ng Malaysia sa lightweight event (60 kgs.).

Ganito rin ang nakuhang panalo kina Mario Jaga (bantamweight 56 kgs.) at Ranjo Gil Napoles (light welterweight 64 kgs.) sa kani-kanilang dibisyon.

Umiskor si Jaga ng 30-26, 30-27, 30-27 laban kay Muhammad Saiful Idham Azuan ng Malaysia habang nanaig si Napoles kay Kumar Dhinesh ng Singapore sa iskor na 30-27, 30-27, 30-26.

Mapapalaban si Pa­alam sa kanyang susunod na asignatura dahil makakaharap nito si Chen Zexin ng China nanalo kay Tenzin Drugyel ng Bhutan via technical knockout gayundin si Jaga  na haharap kay M. Ma­matalin ng Kyrgyzstan na umiskor din ng technical knockout kontra kay Thinley Ugyen ng Bhutan.

Haharapin naman ni Chavez si ASBC Asian Junior Champion Bilolbek Mirzarakhimov ng Uzbekistan na nanaig kay Ruamtham Sakda ng Thailand via unanimous decision (30-27, 30-27, 29-28) habang makakaharap ni Napoles si Haidar Ammar ng Syria na nakasiguro ng opening round bye.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with