^

PSN Palaro

Mayweather handa nang bumalik sa boxing

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ngayon ay may saysay nang pag-usapan ang rematch nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr.

Nagparamdam si May­weather ng kanyang pagbabalik sa boxing ring walong buwan matapos siyang magretiro at isang taon makaraan niyang talunin si Pacquiao.

Sinabi ng 39-anyos na si Mayweather (49-0-0) na may nangyayaring pag-uusap sa kanila ng Showtime at CBS.

Sinabi ni Maywea­ther, nauna nang nagretiro noong 2007 at nagbalik noong 2009, na ang ta­nging bagay na makakapagpabalik sa kanya sa ring ay ang pagtatala ng record na  50-0-0 at mala­king premyo.

Ilan sa mga posibleng labanan niya ay sina middleweight champion Gennady Golovkin, Danny Garcia, Keith Thurman at Shawn Porter.

Ngunit maaari pa ring isama ang pangalan ni Pacquiao.

“Yes, I’m happy to be where I’m at,” wika ni Mayweather, gustung-gutong ipinagyayabang ang kanyang kayamanan kasama na ang dalawang exotic Bugattis cars na nagkakahalaga ng $3 milyon bawat isa.

“Everyone is asking, asking me, ‘Is Floyd Mayweather coming back?’ Right now, I’m happy on this side (of the ropes), but I’ve been talking with CBS and Showtime and you just never know,” sabi ni Mayweather.

“But for now, I’m happy on this side. As of right now, you know, some crazy numbers have been thrown my way, upwards of, of course, nine figures,” dagdag pa nito.

 Abala ngayon si Mayweather sa kanyang boxing promotions.

“I’m truly blessed, way beyond belief. I don’t know what we’re going to do, but right now, I’m happy being on this side helping figh­ters,” wika ni Mayweather.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with