New Era may pa-tryout bukas
MANILA, Philippines – Magdadaraos ang New Era University ng open tryout para palakasin ang kanilang basketball team na isasabak sa sasalihang basketball tournament.
Isasagawa ang nasabing tryouts tuwing araw ng Lunes, Miyerkules at Biyernes, simula sa alas-7 ng umaga sa New Era school gym sa Central Avenue, Quezon City simula sa Mayo 2.
Bukas ang nasaturang tryouts para sa mga manlalaro na may edad 23-and under, kabilang na ang transferees at freshmen.
Ang sinumang interesadong lumahok ay hanapin lang si coach Adonis Tierra o sinuman sa kanyang assistants.
Para sa detalye at tanong, tumawag lang sa (0920) 914-1824.
Nais ng Hunters na palakasin ang kanilang kampanya sa pagbubukas ng 16th National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities (NAASCU) ngayong taon kung saan sila ang tatayong host school.
- Latest